Venus Raj, masayang ibinahagi ang kanyang pagtatapos sa isang paaralan sa Oxford, England!

Masayang ibinahagi ng beauty queen na si Venus Raj ang isa na namang ‘major major’ milestone sa kanyang buhay.

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Nito lamang June 22, ibinahagi ni Venus sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kuha mula sa isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa kanyang buhay, ito ay ang kanyang pagtatapos sa Oxford Centre for Christian Apologetics (OCCA) sa Oxford, England.

Sa caption ng kanyang post ay inilarawan naman ni Venus ang kanyang journey sa OCCA.

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Ani Venus, “This journey at the OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics (@occaoxford) is a journey of testing faith, delighting in God’s presence, enjoying fellowships, increasing knowledge, having meaningful conversations, discovering gifts, empowering opportunities, revisiting struggles, and gaining life-long friends.”

Nilakipan din ni Venus ng mga hashtag na #CommissioningDay, #Graduatenaposawakas at #UwianNa ang kanyang Instagram post para ipagdiwang at markahan ang kanyang journey sa OCCA.

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Samantala, ilang malalaking pangalan naman sa pageant world at showbiz industry ang nagpaabot ng kanilang pagbati para kay Venus.

Saad ng isa sa mga Binibining Pilipinas sister ni Venus na si MJ Lastimosa, “Congrats nay!!! Love your dress as well”

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Komento naman ni Miss Philippines Supranational 2017 Chanel Olive, “So proud of you ate”

Ani Hayden Kho, “Congratulations, Venus!!”

Si Maria Venus Bayonito Raj ay isang Indian-Filipino beauty queen, host at actress. Nakilala si Venus ng buong universe dahil sa kanyang “major major” na pagsagot sa Q&A portion ng Miss Universe beauty pageant noong 2010 kung saan ay itinanghal siya bilang 4th runner-up.

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Pagkatapos naman ng reign ni Venus ay nabigyan siya ng maraming oportunidad sa showbiz industry. Isa sa mga TV project ni Venus ay ang pagiging host sa Kapamilya morning show na “Umagang Kay Ganda” kung saan ay umabot naman siya ng dalawang taon bago siya umalis nang mag-‘reformat’ ng cast ang nasabing palabas.

Credit: @onlyvenusraj Instagram

Ipinagpatuloy din ni Venus ang kanyang mga adhikain at proyekto para sa komunidad bilang isang community worker at youth advocate.

Naging inspirasyon din si Venus para sa marami matapos niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Matatandaang bago sumabak sa Binibining Pilipinas (Miss Universe Philippines) noong 2010 ay nagtapos muna sa kursong Journalism sa Bicol University sa Albay noong 2008 si Venus. Taong 2017 naman ay nagtapos si Venus sa kanyang master’s degree program na Community Development sa University of the Philippines-Diliman.