Version ni Liza Soberano sa pagbibigay direksyon sa Waze, kinaaliwan ng netizens

May mga pagkakataon talaga na hindi na natin kailangan pa na makita ang mukha ng nagsasalita dahil kaagad na natin silang nakikilala sa kanilang boses pa lamang.

Credit: @lizasoberano Instagram

Marahil ay dulot ito ng familiarity o hindi kaya’y talagang nakatatak na sa ating puso ang bawat pagkatao ng ating iniidolong celebrity. Maganda talaga pakingaan si Liza Soberano kapag nagsasalita.

Bagama’t hindi man niya kayang magsalita sa Tagalog nang tuloy-tuloy, soothing at kakaiba talaga ang dating ng kanyang boses dahil sa kanyang sosyalang accent kaya ang marinig ang kanyang entry bilang isang “voice option” sa isang navigation na app katulad na lamang ng Waze ay malaking bagay para sa fans ng aktres dahil sa pamamagitan nito, para na ring nagkakaroon ng interaction si Liza sa kanyang supporters.

Kung noon ay kailangan pa nating huminto ng ilang beses upang makapagtanong kung saan dadaan papunta sa ating direksyon at ilang ulit man na naligaw, sa tulong ng Waze ay ligtas nang nakakapunta ang mga tao sa kani-kanilang destinasyon ngunit imbes na robot-like ang boses na maririnig, ngayon ay maaari ng mamili kung kaninong boses ang maririnig. Kabilang sa mga ito ay ang iilan sa sikat at kilalang personalities sa showbiz na sina Mimiyuuuh at Catriona Gray.

Credit: @lizasoberano Instagram

Sa vlog na ibinahagi ni Robi Domingo kung saan ay featured niya si Enrique Gil at Liza Soberano, kinumbinsi niya ang aktres na magbigay ng kanyang sariling Waze version na sobrang game na game naman niyang sinubukan.

Kabilang sa mga salitang ipinagaya ni Robi kay Liza ay “Dumating ka na sa iyong destinasyon” ngunit imbes na ibigkas sa wikang Filipino ang salitang destinasyon, natural niya itong nabigkas sa wikang Ingles dahilan kung bakit hindi napigilan ng host-vlogger ang malakas niyang pagtawa.

Bagama’t dalawang taon naman ang nakalipas simula nang ibinahagi ni Robi sa YouTube ang vlog na ito, muli itong pumatok sa netizens dahil sa Waze version ni Liza.

Credit: @lizasoberano Instagram

“Napakalambing ng boses mahuhulaan mo tuloy na napakaganda nuong nagsasalita”

“marinig ko lang boses mo”

“Nice voice”

Credit: @lizasoberano Instagram

Maliban sa Waze version ni Liza, napag-usapan din ng Lizquen sa vlog ang wedding kung saan ay pareho naman silang open ni Enrique Gil. Labis din na kinakiligan ng netizens ang moments ng couple lalo na’t matagal-tagal na rin matapos ang huling teleserye at pelikula ng dalawa.