“Good job tayo!”
Ito ang sinabi ng asawa ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro na si Tanya Bautista matapos nilang markahan ang kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.

Sa kabila ng nararanasan nating p@ndemya ay nagawa pa rin nina Vhong at Tanya na ipagdiwang ang kanilang wedding anniversary.
Nitong November 29 ay masayang ipinagdiwang nina Vhong at Tanya ang kanilang wedding anniversary.

Simple lamang ang naging pagdiriwang nina Vhong at Tanya ng kanilang wedding anniversary. Mukhang paborito talaga nina Vhong at Tanya ang Japan. Matatandaan na ikinasal sina Vhong at Tanya sa Japan at sa isang Japanese restaurant din sila kumain para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo bilang mag-asawa.

Sa kani-kanilang Instagram account ay nag-post ang celebrity couple ng mga letrato kuha mula sa restaurant kung saan sila nag-date at nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary.
Kalakip ng kanilang i-pinost na letrato sa kani-kanilang Instagram account ay ang sweet message nila para sa isa’t isa.

“Ayun! Nakapag date din sa wakas! I love you so much mahal ko,” ito ang inilagay na caption ni Vhong sa kanyang post.
“1 year na. Good job tayo! [emoji] I love you so much!”
Samantala, bumuhos naman ang pagbati para sa celebrity couple sa kanilang unang wedding anniversary.
“Happy 1st wedding anniv Mrs. and Mr. Navarro”

“Happy anniversary again!!”
“Happy anniversary guys!!”
Isang taon nang mag-asawa sina Vhong at Tanya at base sa kanilang mga social media post ay kitang-kita na masayang-masaya sila ngayon sa kanilang buhay mag-asawa.
November 28, 2019 ay ginanap ang kasal nina Vhong at Tanya na dinaluhan ng malalapit na kaibigan sa showbiz ni Vhong.

Isang dekada rin na naging magkasintahan sina Vhong at Tanya bago sila nagdesisyon na magpakasal.
Katulad ng kasal ng kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” na si Anne-Curtis ay present din sa kanyang kasal ang lahat ng mga host ng Kapamilya noontime show.
Maging ang ilan pang sikat na celebrity kagaya na lamang ni John Lloyd Cruz at mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho maging ang kanilang napakagandang anak na si Scarlet Snow ay lumipad din papuntang Japan para dumalo sa kasal ni Vhong.

Sa mga hindi nakakaalam, si Tanya ay nagtatrabaho bilang isang resident writer at creative manager sa Kapamilya network.