Vic Sotto at anak na si Vico Sotto, masayang nagkita muli makalipas ang 9 na buwan

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko ay ang pagsasama-sama muli ng mga miyembro ng pamilya na matagal din na hindi nagkita.

Credit: Vico Sotto Instagram 

Kabilang nga sa mga magpamilya na ngayong Christmas season lamang nagkita ay ang mag-amang Vic Sotto at Mayor Vico Sotto.

Isang araw bago magpasko ay binisita ng batang alkalde si Bossing Vic pati ang mag-ina nito na sina Pauleen Luna at Tali.

Ibinahagi ni Mayor Vico sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang ama kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Tali.

Kitang-kita ang saya sa mukha nina Bossing Vic at Tali sa pagbisita sa kanila ni Mayor Vico.
Ayon kay Mayor Vico, ngayon lamang niya nakita sina Bossing Vic, Pauleen at Tali makalipas ang siyam na buwan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

May mensahe naman si Mayor Vico para sa lahat ngayong Pasko. Aniya, dapat umanong sulitin ng lahat ang kanilang oras na kasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko.

Ani Mayor Vico, “For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas – make the most of it!”

Dagdag ng alkalde, “For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let’s still find ways to celebrate the spirit of Christmas with one another.. kahit virtually lang muna.”

Hangad naman ni Mayor Vico na maipadama pa rin natin sa isa’t isa ang tunay na diwa ng Pasko kahit pa marami tayong pagsubok na kinakaharap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)

Aniya, “Nawa’y sa gitna ng maraming pagsubok ay maipadama pa rin natin sa isa’t isa ang tunay na diwa ng Pasko. MERRY CHRISTMAS! 🎄”

Matatandaang nauna nang binisita ni Mayor Vico nitong December 8 ang kanyang kuya na si TV actor Oyo Boy Sotto sa set ng pinagbibidahan nitong sit-com sa Kapuso network na “Daddy’s Girl”.

Siyam na buwan din na hindi nakita ni Mayor Vico ang kanyang Kuya Oyo Boy. Sa isang pasyalan sa Pasig City nag-shooting sina Oyo Boy para sa isang episode ng “Daddy’s Girl”.

Nagbiro pa si Mayor Vico at sinabing kaya niya pinuntahan ang kanyang kapatid ay para singilin ang production ng show nito ng “fees”.

“First time to see Kuya Oyo since March!!! Visited them on the set of Daddys Girl in Pasig’s very own Rainforest AdVenture Experience Park,” ani Mayor Vico.

Credit: Vico Sotto Instagram

Biro pa niya, “Binisita ko sila para maningil ng fees. ðŸĪŠâœŒïļ Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa yun. Pero nung nalaman ko to, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila… 😂😂”

Sa mga hindi nakakaalam, si Mayor Vico ay anak ni Bossing Vic sa aktres na si Coney Reyes.