Vic Sotto, game na game na nakipagsabayan sa kanyang mag-ina na sina Pauleen Luna at Baby Tali sa pagti-TikTok

Parami na nang parami ang mga Pinoy na nahuhumaling sa paggawa ng mga TikTok video. Kamakailan lamang ay dumagdag si “Eat Bulaga” host Vic Sotto sa listahan ng mga nahihilig ngayon sa pagti-TikTok.

Ang TikTok ay isang sikat na mobile application ngayon kung saan ay pwede kang gumawa ng sariling dance videos, mag-lip sync ng mga kanta at kung anu-ano pang mga nakakaaliw na video content.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram    

Ipinamalas ni Vic ang kanyang dancing skills nang sayawin nila ng kanyang asawang si Pauleen Luna ang isa sa mga nauusong dance challenge ngayon sa TikTok na “Boom, Boom, Boom, Boom!” ng Vengaboys.

Nitong October 17, ay ipinost ni Pauleen sa kanyang Instagram ang TikTok video kung saan ay mapapanood ang todo-bigay na pagsasayaw ni Vic.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa video ay makikita rin na nag-eenjoy si Vic sa pagsasayaw kahit pa medyo hindi perpekto ang kanyang mga dance step.

Hindi naman maitago ni Pauleen ang kasiyahan dahil nakasama niya ang asawa sa pagti-TikTok. Sa caption ng kanyang Instagram post, ay sinabi ni Pauleen na sobrang mahal umano niya ang kanyang asawa dahil nakakisabay daw ito sa kanyang mga kalokohan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Aniya, “I super love my husband for doing crazy things with me 🤪🤪🤪”

Ikwenento rin ni Pauleen na ginawa nila ang TikTok video para sa opening number ng “Eat Bulaga”.
Ani Pauleen, “Shot this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today!”

Sa isang pang video ay sumali na rin sa kanilang TikTok dance video ang kanilang anak na si Baby Tali. Todo-bigay din si Baby Tali sa pagti-TikTok kasama ang kanyang mga magulang.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa isang parte ng video ay makikita ang pagtataka sa mukha ni Baby Tali nang makita ang mga magulang na sumasayaw.

Gayunpaman, nang patugtugin na ni Pauleen ang kanta ay kaagad naman itong sumayaw. Tila nagba-ballet class din noon si Baby Tali habang nagti-TikTok sina Vic at Pauleen dahil nakasuot pa ito ng kanyang ballet attire.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Aliw na aliw naman ang netizens sa TikTok dance video nina Vic, Pauleen at Baby Tali. Komento nila:

“fave ko yung with Tali, ang cute hahaha”

“I LOVE THIS SO MUCH”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Hahahahahahahah!! Sobrang cute niyo po!!!”

“Sarap tugnan ng pamilya mo Ms. Sotto. Lalo na baby tali super cute pati po sir Bosing nagenjoy. ingat po plgi”