Vic Sotto, ibinunyag ang dahilan kung bakit nahihirapan sila ni Pauleen Luna na bigyan ng kapatid si Tali

Nagiging mas masaya at exciting ang buhay may asawa dahil sa mga bata. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming mag-asawa ang nagdarasal na magkaroon ng anak o magkaroon ng isa pang anak. Tunay kasi na nagdudulot ang mga bata ng kasiyahan at maraming biyaya sa isang tahanan.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Isa nga sa mga mag-asawang gustong magkaroon ng isa pang anak ay ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. May isang anak ang dalawa na ang napaka-cute at napakatalinong si baby Tali.

Aminado naman si Vic na gusto na nilang bigyan ng kapatid si Tali, baby sister man o baby brother. Ikwinento ng Eat Bulaga host na parating ipinagdadasal ni Tali na bigyan siya ng isang kapatid. Ito rin ang ipinagdarasal nilang mag-asawa.

“The truth, tuwing nagdarasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?'” kwento ni Vic.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Ibinunyag naman ni Vic kung ano ang pumipigil sa kanila na magkaroon ng bagong baby. Ayon sa kanya, imposibleng makagawa sila ng bagong baby ni Pauleen dahil hanggang ngayon ay katabi pa rin nilang natutulog si Tali sa kanilang kwarto.

“Ang problema kasi, parati namin siyang katabi matulog, e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin. Kailangan may nakayakap sa kanya, nakayakap sa mommy, kay Daddy niya. ‘Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali,” pagbubunyag ni Vic.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Dagdag pa niya, sinusubukan naman daw nilang bigyan si Tali ng kapatid. Gayunpaman, sinabi ni Vic na hindi sila nagmamadali at naghihintay sila ng tamang panahon kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon sa kanila ang isa pang anak, tulad umano ng paghihintay nila kay Tali noon.

“Hopefully soon, God-willing. Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman in God’s time, alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing,” saad ni Vic.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e, kung bigyan niya ng kasunod si Tali,” giit pa niya.

Samantala, kung hindi umano sila bibigyan muli ng isa pang anak, sabi ng beteranong TV host, ayos lang dahil marami naman daw pamangkin si Tali na mas bata sa kanya at makakalaro niya.

Si Tali ang bunsong anak ni Vic. May mga kapatid siya sa iba pang ina na sina Danica, Oyo Boy, Paulina, at Vico.