Vice Ganda at Ion Perez, nag-enjoy sa kanilang mabilisang trip sa Singapore

Matapos ang hectic na schedule at sunod-sunod na projects, talagang deserve ni Vice Ganda na magbakasyon bilang pampatanggal ng stress ngunit kahit na’y hindi pa man nakakaabot sa destinasyon, mukhang napawi na ang pagod na nararamdaman ng komedyante dahil kapiling niya lang naman ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sa mundo ng showbiz, kaakibat ng fame ay ang pagod at stress dahil sa sunod-sunod na projects kaya sa tuwing nagkakaroon ng break, tsaka lamang sila nakakapag-relax kaya talagang nilulubos-lubos na ng celebrities ang bawat araw at oras upang makapag-enjoy.

Kung noon ay mag-isa lamang na nagbabakasyon o hindi kaya’y kasama ang pamilya at mga kaibigan, ngayon naman ay asawa na ni Vice Ganda ang kanyang “travel companion” kaya naman doble ang kilig na naramdaman ng fans ng couple dahil sa walang humpay nilang biruan at harutan mula sa eroplano hanggang nakarating sa Singapore.

Sa latest na vlog na ibinahagi ng “Unkabogable Star” sa kanyang Youtube channel, mapapanood kung gaano ka-excited ang dalawa sa pupuntahang destinasyon lalo na’t ayon kay Ion, ito umano ang unang pagkakataon na makakapunta siya sa Singapore. Kahit na’y ilang beses nang pabalik-balik si Vice sa lugar, hindi pa rin niya napigilan ang excitement lalo na’t matagal-tagal na rin simula nang huli siyang nakabisita. Isa pa, kasama rin nila ang isa’t-isa na siyang mas nagpasaya pa sa kanilang trip.

Credit: Vice Ganda YouTube

“I expect a lot of good food. We’re going to the Hawkers kung saan kumain ‘yung nasa Crazy Rich Asians,” pahayag ni Vice Ganda.

Nang nakarating sa Singapore, kaagad na sinubukan ng couple ang iba’t-ibang masasarap na mga pagkain at cuisines.

Credit: Vice Ganda YouTube

Matapos ng kanilang “food trip,” nagpunta sa mall ang couple kung saan ay dinala ni Ion si Vice sa ipinamanang store sa kanya ng mga “ninunong hindi niya pa nakikilala”.

Credit: Vice Ganda YouTube

“Si Ion may ipinagmamalaki sa akin na dadalhin niya daw ako sa isang lugar na ipinamana sa kanya ng mga magulang niya,” kuwento ni Vice.

“Iyong mga ninuno niyang hindi pa niya nakikilala, may pinamana pala sa kanya kaya kami nagpunta rito sa Singapore upang puntahan ‘yung ipinamana sa kanya,” pagbibiro pa ng komedyante.

Nang nakarating sa mall, halos malaglag ang panga ni Vice nang mabasa ang pangalan ng isang store na “ION”.

Credit: Vice Ganda YouTube

Maliban sa kanilang nakakatawang biruan at pagsubok ng iba’t-ibang mga pagkain, naghabulan at nagharutan din ang dalawa. At dahil mabilisan lamang ang kanilang trip sa Singapore, kaagad namang umuwi ang couple sa Pilipinas kung saan ay dala-dala pa rin nila ang sweetness na labis namang kinaaliwan at kinakiligan ng fans.