Vice Ganda, hindi naitago ang kilig nang ipasilip ang kanyang bagong biling luxury car!

Kilala ang comedian-host na si Vice Ganda bilang isa sa mga pinakamatagumpay na artista sa Pilipinas. Bilang isang multitalented na artista, talaga namang kaliwa’t kanan ang dumadating na proyekto para kay Vice.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng marami na sinasabayan din ni Vice ng kasipagan at dedikasyon ang kanyang talento sa pagpapatawa upang maabot niya ang tugatog ng tagumpay at kasikatan. Ito nga ang naging daan upang makamit niya ang tinatamasa niyang karangyaan at magandang buhay ngayon.

Bawat biyaya namang dumadating sa buhay ni Vice ay hindi niya nakakalimutang ibahagi sa madlang pipol. Kamakailan nga ay masaya at kinikilig na ipinasilip ni Vice sa kanyang milyun-milyong subscribers ang bagong bili niyang luxury car na katas umano ng kanyang pagtatrabaho sa show na Everybody Sing.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sa ganda, gara, at halaga naman ng bagong sasakyan ni Vice na isang Cadillac Escalade ay talagang mapapa-wow ka!

Pero may magandang dahilan naman si Vice kung bakit siya bumili ng bagong sasakyan. Kwento niya, binili niya ang nasabing sasakyan dahil nitong mga nakaraang buwan ay nagloloko umano ang kanyang mga sasakyan.

Ayon pa kay Vice, ang isa niyang sasakyan na mula nang magpandemya ay malimit na lamang niyang gamitin ay nawalan ng preno. Habang ang ginagamit naman umano niyang sasakyan tuwing siya ay pumapasok sa “It’s Showtime” ay hindi na gumagana nang maayos ang aircon.Gayundin, ang sasakyang ginagamit niya tuwing siya ay may shooting ay nagloloko na rin umano.

Credit: Vice Ganda YouTube

Kaya naman noong nakaraang taon, nagpasya na siyang palitan ang mga ito at bumili ng bago. Oras na rin umano na idispatsa niya ang kanyang mga lumang sasakyan para sa kanyang kaligtasan tuwing sila ay bumabiyahe.

“Umorder kami ng bagong caru (sasakyan) kasi parang minamalas ako lately sa sasakyan…Habang nagme-make up ako, naglalapot ako kasi walang aircon… kailangang sinusuntok suntok ‘yung aircon para lumakas o bumukas ulit. Tapos ‘yung isang sasakyan na pang-shooting, nangarag rin so parang minamalas malas ako sa sasakyan. So sabi ko it’s time na bumili ng bago para ma-dispose yung ibang lumang sasakyan…” ani Vice.

Credit: Vice Ganda YouTube

Dagdag ni Vice, noong August 2021 pa dapat umano dumating ang kanyang sasakyan pero ay ibinalik niya ito dahil hindi niya nagustuhan ang kulay nito.

Hanggang kamakailan nga, nai-deliver na sa kanyang bahay ang in-order niyang itim na Cadillac Escalade na pinangalanan pa niyang “E.S.” o short for “Everybody Sings.”

Sa huli, kilig na kilig nga si Vice nang makita at mahawakan na niya ang kanyang bagong sasakyan.