Hustle talaga ng hustle. Work lang ng work. Kailan at saan pa ba natin maisisingit ang pahinga? ‘Yan ang naging routine ni Vice Ganda nitong nakaraang mga araw kaya naman aminado siyang pagod na ang kanyang katawan pero sa kabila nito, laban pa rin siya nang laban!
Credit: @praybeytbenjamin Instagram
Dahil sa kanyang exemplary na performance bilang isang artista, host, at comedian, isa si Vice Ganda sa mga sikat na celebrity sa showbiz. Dahil dito, patong-patong talaga ang kanyang trabaho pero paano nagiging posible para sa kanya na makangiti ng wagas kapag nakikita natin siya sa telebisyon?
Sa likod ng ngiti at tawa, gaano nga ba ka-busy ang isang Vice Ganda?
Sa latest na vlog na ibinahagi ng komedyante sa kanyang Youtube channel, matutunghayan kung gaano talaga ka-busy si Vice. Mula sa pagho-host sa “It’s Showtime,” muli na naman siyang siyang babyahe upang makapunta sa susunod niyang trabaho pero dahil sa mabigat na traffic, kinailangan niyang sumakay ng helicopter.
Credit: @praybeytbenjamin Instagram
“After Showtime live, didiretso tayo ng Quezon. Dahil hindi tayo aabot, we have to find a way, and the best way is to ride a helicopter,” sabi niya habang patungo sa helipad ng ABS-CBN.
“Going to Quezon, mga 20 minutes lang kasi kung magla-land tayo, 3 1/2 hours. ‘Di tayo aabot,” sabi ni Vice.
Nang nakarating na sa Villa Escudero resort, hindi siya nagkaroon ng malaking oras dahil kailangan pa niyang maghanda para sa performance niya pagsapit ng gabi.
Sa susunod na araw, kaagad na lumipad pabalik si Vice sa ABS-CBN compound para sa “It’s Showtime” para magtrabaho ulit. Sobrang hectic ng schedule ni Meme!
Credit: @praybeytbenjamin Instagram
“So after ng ganap dito sa Tiaong, Quezon, nakapag-vlog pa tayo ng mabilisan. We’re going back to ABS-CBN for Showtime, and after Showtime, work again! Kaya pa ba? Kayang-kaya!” sabi ni Vice habang nakasakay sa service niyang helicopter pabalik sa ABS-CBN.
At nang nakarating na sa station, talagang pinilit ni Vice na maging alert kahit na’y sobrang inaantok na siya.
“Ito ang tinatawag nating Ratsada! Dire-diretso. Walang puknat na trabaho. Tae lang ang pagitan. So bawal ang inaantok. Showtime na. Putukan ng energy dito! Walang puyat-puyat! Walang pagod-pagod! Energy kung energy!”
Credit: @praybeytbenjamin Instagram
Sa parehong araw, maagang umalis si Vice sa show upang dumiretso sa caravan event sa Makati na mangyayari sa buong gabi.
Nang natapos, talagang ramdam ni Vice ang pagod at sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng pahinga. Nakakaloka man ang pagiging busy, todo pa rin ang effort na ibinibigay ni Vice upang mapasayala lamang ang madlang people.