Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang mala-hotel sa ganda at laki na bagong gawang bahay!

Maraming netizens ang napa-wow sa ganda at laki ng bagong bahay ng komedyante at TV host na si Vice Ganda na mayroong modern at industrial design.

Credit: Vice Ganda YouTube      

Una nang ipinasilip ni Vice noong October 2020 sa kanyang vlog ang loob ng kanyang bagong bahay ngunit wala pa itong mga gamit.

Nitong Bagong Taon nga ay muling ipinasilip ni Vice ang kanyang bahay. Sa pagkakataon na ito ay kumpleto na sa gamit o fully-furnished na ang bagong bahay ni Vice.

Credit: Vice Ganda YouTube

Kasama ni Vice na nagbigay ng house tour ang kanyang mga matalik na kaibigan na sina Negi, Orle at Kitty.

Pintuan pa lamang ng bahay ni Vice ay agaw-atensyon na dahil sa laki nito. Marami ka namang makikita na kamangha-manghang furniture sa living area ni Vice. Isa na rito ang kanyang itim na freestanding couch.

Credit: Vice Ganda YouTube

Espesyal naman para kay Vice ang kanyang horse lamp na binili pa niya sa ibang bansa.

Mistulang lobby area din ng isang hotel ang living area ni Vice. Mayroon itong napakalaking couch, nakasabit na eleganteng chandelier at centralized aircon.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ang accent wall naman ng living area ni Vice ay mayroong wallpaper ng Brooklyn Bridge ng New York City.

Pwede ka namang mag-pictorial sa malaking O-shaped rocking chair ni Vice. Highlight naman sa house-tour vlog ang ipinalagay na elevator ni Vice na mayroong fingerprint scanner.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ipinakita rin ni Vice ang loob ng kanyang ‘den’ kung saan pwedeng tumambay ang kanyang mga bisita habang nanonood ng palabas sa kanyang napakalaking projector.

Credit: Vice Ganda YouTube

Naka-display din sa den ng bahay ni Vice ang lahat ng kanyang mga award, trophy at plaque.

Makikita naman sa hallway ni Vice ang ilan sa mga art pieces na binili niya mula sa mga Pinoy artist.

Credit: Vice Ganda YouTube

Napaka-sosyal naman ng dining room ng bahay ni Vice. Sa loob ay makikita ang isang 12 seater dining table, dalawang chandelier at ilang paintings.

Mistulang kitchen naman ng isang hotel ang clean kitchen ni Vice. Kumpleto na ito sa mga kagamitan sa pagluluto. Nagpalagay naman ng dumbwaiter si Vice para kung gusto niyang magpahatid ng pagkain sa kanyang room ay hindi na kailangan pang umakyat ang kanyang kasambahay.

Credit: Vice Ganda YouTube

Huling ipinakita ni Vice ang pool area ng kanyang bahay na mayroong heating system, jacuzzi, bar area, spa at sauna room.