Kabilang si “It’s Showtime” host Vice Ganda sa mga nakasaksi sa bagsik ng paghagupit ng bagy0ng Ulysses sa probinsya ng Quezon.

Sakto kasi na nagbabakasyon si Vice sa Balesin island na matatagpuan sa Polilio sa probinsya ng Quezon habang humahagupit ang bagy0.
Kasama ni Vice na nagbakasyon ang kanyang boyfriend na si Ion Perez, ilang kapamilya niya at mga staff.
View this post on Instagram
Habang nasa Balesin nga sila ay naabutan sila ng bagy0ng Ulysses. Matatandaang naiulat na nag-landfall ng tatlong beses sa probinsya ng Quezon ang nasabing bagy0.

Kaya naman habang nasa Balesin siya ay nasaksihan ni Vice kung gaano katindi ang bagy0.
View this post on Instagram
Sa kanyang Twitter Post nitong November 12 ay sinabi ni Vice na “nakakatakot” umano ang sitwasyon sa Balesin. Aniya, “Nakakatakot na dito! Lord God please keep us all safe.”
Nakakatakot na dito! Lord God please keep us all safe. 🙏
— jose marie viceral (@vicegandako) November 11, 2020
Sa mga Instagram story update naman na ibinahagi ni Vice ay mapapanood ang malakas na pagbayo ng hangin at pagbuhos ng ulan.
Samantala, sa isa pang tweet ni Vice ay inilarawan niya kung gaano kabagsik ang bagy0 base sa kanyang nasaksihan sa Balesin.

Ayon pa kay Vice, maituturing umano na “d3lubyo” ang lebel ng pananalasa ng bagy0. Kwento ni Vice, “Last night was ‘d3lubyo’ levels here in Balesin.”
Sinabi rin ni Vice na kinailangan umano nilang mag-evacuate ng dalawang beses dahil sa tindi ng pananalasa ng bagy0.
Ikwenento ni Vice na kaya sila lumikas dahil nawasak na umano ang mga villa sa tinutuluyan nilang resort. Idinagdag pa ni Vice, na nagsibagsakan din umano ang mga puno sa kanilang paligid.

Sa pangalawang beses ay kinailangan na naman daw nilang lumikas mula sa kanilang pinaglipatan dahil nawalan ito ng kuryente at suplay ng tubig. Narito ang kabuuang sinabi ni Vice sa kanyang Twitter post:
“Needed to ev@cuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. Ung pinaglipatan naman namin nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kami ulit.”
Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. Ung pinaglipatan nman namin nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kmi ulit. Mejo kalamado na ngayon. Salamat sa Diyos!
— jose marie viceral (@vicegandako) November 12, 2020
View this post on Instagram
Sa panahon naman na isinulat ni Vice ang nasabing post ay ibinalita niyang medyo kalmado na umano ang sitwasyon sa Isla. Ani Vice, “Mejo kalmado na ngayon. Salamat sa Diyos!”