Vice Ganda, may pa-surprise na intimate birthday celebration para sa ika-75 taong kaarawan ng pinakamamahal na nanay niya

Kilala si ‘Unkabogable Star’ Vice Ganda ng lahat bilang isang mapagmahal na anak sa kanyang Nanay Rosario. Kaya hindi nito nakalimutan na bigyan ng isang masayang birthday celebration ang kanyang nanay na nagdiriwang ng kanyang ika-75 na taong kaarawan.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram       

Isang intimate birthday surprise ang inihanda Vice para sa ika-75 taong kaarawan ng kanyang Nanay Rosario nitong October 7. Ang birthday celebration ni Nanay Rosario ay ginanap sa Terrace Manila sa Quezon City.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Dinaluhan ito ng mga kapatid at pamangkin ni Vice. Present din sa birthday party ang boyfriend ni Vice na si Ion Perez at anak-anakan nitong si ‘It’s Showtime’ host Ryan Bang.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Sa mga serye ng larawan at video na ibinahagi ni Vice sa kanyang Instagram story, makikita si Ion na may bitbit na napakalaking bouquet of flowers para kay Nanay Rosario.

Sa isang video, makikita ang saya sa mukha ni Nanay Rosario nang pagpasok pa lang niya sa venue ay agad na siyang kinantahan ng lahat ng happy birthday song.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Mapapanood din sa isa pang video na napapasayaw si Nanay Rosario habang kinakantahan siya ng lahat.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Kitang-kita naman sa mukha ng comedy star ang kasiyahan na makita na napasaya niya ang nanay sa inihanda niyang birthday celebration.

Mukhang isang certified ‘plantita’ rin si Nanay Rosario dahil sobra ang saya nito nang regaluhan siya ng isang klase ng halaman.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Samantala, nagbigay tuwa naman si Ryan sa lahat nang ilabas niya ang kanyang regalo para kay Nanay Rosario na nakalagay sa isang napakalaking box na may nakalagay na korean label. Hindi naman ipinakita ni Ryan ang laman ng box.

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang birthday surprise na inihanda ni Vice para sa ina. Komento ng netizen:

“Vice is like boy abunda mahal na mahal ang nanay, more years for your mom vice.”

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

“Meron po kasabihan pag subrang mahal mo daw yong mga magulang mo..at tinutulngan mo sa lahat ..more blessings din na darating sayo….”

“Thats why very idol kita kasi love mo mama mo meme… Happy BDAY Mama Rosario mwuah”

Credit: @team_orens_penk_forever Instagram

Si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala ng lahat bilang si Vice Ganda ay bunso sa limang magkakapatid. Tumatatak si Vice sa lahat dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa. Sa ngayon, ay napapanood si Vice sa noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime” at sa kanyang YouTube channel.