Vice Ganda, naglast minute shopping at namili ng mga mamahaling Christmas gift para sa pamilya!

Ang pagbabahagi ng ating biyayang natanggap sa buhay ay ang tunay na essence ng pasko at upang mas gawin pa na extra special ang kapaskuhan, talagang lagpas sa expectation ng karamihan ang ginawa ni Vice Ganda para mapasaya ang kanyang pamilya ngayong kapaskuhan.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa “Unkabogable Queen” na si Vice Ganda? Simula nang pinasok ang industriya ng showbiz, pinatunayan na ni Vice ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte at hindi kailanman nabigo sa pagbibigay ng katatawanan at good vibes sa fans. Ang mas hinahangaan pa ng karamihan sa comedian ay ang pagiging totoo nito sa kanyang pagkatao sa harap o likod man ng kamera.

Maliban sa kanyang magaan na personalidad, kilala rin si Vice bilang isang generous na tao na palaging handang tumulong sa mga taong nangangailangan, kapwa artista o ordinaryong mamamayan man.

December nitong nagdaang taon, muli na namang nasubok ang katatagan ng mga mamamayan sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pananalasa ng bagyong Odette at isa si Vice sa mga celebrity na kaagad na nagpaabot ng tulong at bago sumapit ang araw ng pasko, oras na rin para sa pamilya ni Vice na makaramdam ng kasiyahan.

Credit: Vice Ganda YouTube

Kilala bilang isa sa mga sikat na personalidad sa showbusiness, talagang busy si Vice at tanging nagkaroon lamang ng pagkakataon na makapag-shopping ng mga ipanreregalo niya sa kanyang pamilya noong ika-24 ng Disyembre.

“Taon-taon naman po talaga, last-minute ang pa-shopping ko dahil ang dami kong trabaho kaya kahit anong ganap, sobrang busy man, marami mang nagaganap na hindi maganda sa paligid, I have to find time and I have to find a way to buy gifts for my family,” saad ni Vice.

Sa kanyang “last-minute shopping,” talagang sinundo siya ng personal na driver gamit ang magarang limousine ng Solaire kasama ang kanyang kaibigan na si Donald.

Credit: Vice Ganda YouTube

Of course, namili si Vice ng mga regalo sa mga mamahalin at sikat na stores katulad ng Louis Vuitton, Univers d’homme et femme, at Christian Dior kung saan ay mga bag at sapatos ang hinanda niyang Christmas gifts para sa mga mahal niya sa buhay.

Marami naman ang napanganga sa kabonggahan ng pagsho-shopping ni Vice Ganda ngunit marami rin sa kanyang fans ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil sa walang bahid na pagmamayabang ng komedyante sa kabuuan ng kanilang pagsho-shop kundi ay purong saya at katatawan lamang ang hatid.

Credit: Vice Ganda YouTube

Abala man sa trabaho, talagang malaki pa rin ang paghahanda ni Vice sa mga ibibigay niyang regalo sa kanyang pamilya dahilan kung bakit mas merry ang naging pasko ng pamilyang Viceral.