Vice Ganda, namahagi ng blessings at inilibre ang mga customer ng binisita niyang botika

Sa panahon ngayon ay napakahirap ang magkas@kit at napakahirap maghanap ng pambili ng mga kailangang gamot na inumin kaya naman isang malaking blessing para sa mga taong ito ang mabigyan ng libreng gamot.

Credit: Vice Ganda YouTube

“Let’s share some good vibes to our beloved madlang people. Sa pagkakataon namang ito, ang trip naman namin… ang naisip namin ni Donald ay pupunta tayo sa isang botika tapos pagdating natin doon mula doon sa oras na dumating tayo hanggang sa magsara sila, lahat ng bibili ng gamot dun sa botika nila, babayaran ko,” ito ang ibinahagi ni Vice Ganda sa paguumpisa ng kanyang vlog.

Ito daw ay gagawin ni Vice Ganda para magpa-good vibes sa mga tao.

Isang ginang ang pumasok sa botika kung saan napiling bumisita ni Vice Ganda. Sa umpisa ay bumili siya ng gamot para sa kanyang apo at kalaunan ay nagtanong kung magkano ang presyo ng isang Blood Pressure Monitor. Nang sinabi ang presyo ay nalungkot ang ginang dahil hindi umano kasya ang kanyang pera.

Laking gulat ng ginang nang biglang sabihin ng staff ng botika na bayad na ang kinakailangang gamot ng ginang at ang gusto nitong bilhin na Blood Pressure Monitor. Gulat na gulat ang ginang at halos maiyak sa tuwa dahil sa biyayang natanggap niya.

Credit: Vice Ganda YouTube

Sa puntong iyon ay bumaba na ng sasakyan si Vice Ganda at nakipag-usap na sa mga customer na nasa loob ng botika. Isa-isang tinanong ni Vice Ganda ang mga kinailangang bilhing gamot ng mga customer.

Credit: Vice Ganda YouTube

Natuwa ang mga ito nang sabihin ni Vice Ganda na ibigay sa kanila ng libre ang mga maintenance medicine na iinumin ng isang buwan.

Credit: Vice Ganda YouTube

Pagkatapos nito ay kumalat ang pagshishare ng biyaya ni Vice Ganda kaya naman humaba ang pila sa labas ng botika. Dahil dito ay mas marami pang taong natulungan si Vice Ganda at marami ding mga indibidwal ang nagbahagi ng kani-kanilang kwento at struggle pagdating sa kanilang buhay kalusugan at pinansyal.