Napa-w0w ang netizens nang nagkaroon ng malaki at bonggang surpresa si Vice Ganda para sa kanyang pamilya.
Credit: Vice Ganda YouTube
Kilala si Vice Ganda bilang isang mahusay na artista at komedyante sa industriya ng showbiz. Marami man ang nagtataka kung saan niya napulot ang pagka-natural niya pagdating sa pagpapatawa at pag-arte, ito ay dahil simple lamang siyang masiyahin na tao na talagang malapit sa kanyang pamilya.
Credit: Vice Ganda YouTube
Biyernes, August 14 nang nagbahagi si Vice ng vlog sa sarili niyang YouTube channel kung saan ay pinamagatan niya itong “THE BIG REVEAL”. Sobrang bongga naman kasi talaga ng kanyang surpresa para sa pamilya— isang malaki, maganda, at bagong bahay!
Credit: Vice Ganda YouTube
Bilang selebrasyon sa kaarawan ng “sisteret” ni Vice na si Dr. Tina Viceral ay nagkaroon ng simpleng dinner ang buong pamilya kasama ang ilang malalapit na kaibigan ng komedyante na sina Ryan Bang, Angeline Quinto, Amy Perez, at ang grupo ni Vice na kung tawagin niya ay ang mga “Vakla”. Of course, present din ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.
Credit: Vice Ganda YouTube
“Matagal naming prinepare ‘to. Kami nila Ion. Naghahanap kami ng bonggang opportunity or timing kung kailan namin ire-reveal sa kanila. Sana ma-happy sila sa ire-reveal namin,” sabi ni Vice habang tinutukoy ang surpresa niya na bagong bahay.
Credit: Vice Ganda YouTube
Buong akala ng pamilya ni Vice na kakain lamang sila pero didiretso na pala sila sa bagong bahay na ireregalo ng komedyante para sa kanila. Nang nalaman ng buong pamilya ni Vice ay hindi nila napigilang maiyak sa saya. Labis naman na naging emosyonal ang pinakamamahal na Mommy ni Vice sa tuwa.
Credit: Vice Ganda YouTube
Masaya naman si Vice nang makita ang reaksyon ng kanyang pamilya sa surpresang ginawa niya. Ayon kay Vice, marami umano siyang “realizations” simula nang nagp@ndemya.
Credit: Vice Ganda YouTube
“Na-realize ko, ang uncertain ng life. Ta’s meron na rin akong fear na ‘Oh My God! Ako kaya, kailan kaya ako babawiin. Sino kaya iyong mas malalapit pa na mawawalan,’” paliwanag ni Vice.
Credit: Vice Ganda YouTube
Nang napagtanto ay napagdesisyunan ni Vice na bigyan ng bagong bahay ang buong pamilya.
Dagdag pa ng “Unkabogable Star”, “Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience iyong sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila. Gusto ko lang maramdaman naming lahat ‘yung masarap, ‘yung masaya,, ‘yung maganda.”
Credit: Vice Ganda YouTube
Para kay Vice ay nagmistulan umanong bagong pag-asa ang pagkakaroon ng bahay sa kalagitnaan ng pagsubok na pinagdadaanan ng lahat ngayon.
Credit: Vice Ganda YouTube
Hindi lamang ang pamilya ni Vice ang labis na natuwa dahil kahit netizens ay na-appreciate rin ang kabutihang ipinamalas niya.
Credit: Vice Ganda YouTube
Kahit nasa rurok na ng kasikatan ay hindi pa rin nakalimutan ni Vice Ganda at pinapahalagahan pa rin niya ang kanyang pamilya. Dahil dito ay mas lalong hinangaan pa si Vice ng kanyang mga tagahanga at mga taga-suporta.