Vicki Belo, ibinida ang kaseksihan sa Japan!

Ngayong buwan ng Marso, sobrang lakas talaga ng “women empowerment” pero tila’y kinabog naman ng celebrity doktora na si Vicki Belo ang entry ng lahat dahil ibinida lang naman niya ang kanyang s3xy na katawan sa suot niyang swimsuit sa Japan!

Credit: @victoria_belo Instagram

Tapos na ang mga pagbabasakali at pagpipigil sa sarili dahil sa panahon ngayon, ramdam na ramdam na talaga ang pambihirang confidence ng mga kababaihan at saan nga ba nagsisimula ang pagmamahal natin sa sarili kundi ay sa ating sariling katawan?

Bagama’t hindi man isang artista, kilala naman ng masa si Dra. Vicki Belo dahil siya lang naman ang taong nasa likod sa kagandahan at pagiging young-looking ng iniidolo nating celebrities. Sa mahabang panahon na pagiging dedicated niya sa pagpapaganda sa kanyang clients, oras naman ngayon upang i-embrace niya ang sarili niyang beauty kaya ngayong women’s month, ginulat niya ang netizens nang ibinida niya ang kanyang confident at alluring na version.

Kasalukuyan ngayong nagbabakasyon sa Japan si Dra. Belo at dahil winter ngayon doon, sobrang lamig talaga pero tila’y hindi naman siya apektado ng klima dahil imbes na magsuot ng jacket at magbalot ng makakapal na mga damit upang maibsan ang nararamdamang lamig, kabaliktaran nito ang ginawa ni Dra. Belo dahil nagsuot lang naman siya ng floral na swimsuit na tila ba’y summer ngayon sa pinagbabakasyonang bansa!

Credit: @victoria_belo Instagram

Nito lamang Miyerkules, March 8 nang nagbahagi ng sultry pic si Dra. Belo sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita siyang nakasuot ng swimsuit na may matching pa na furry boots. Bagama’t hindi man appropriate ang kanyang outfit sa klima ng lugar, isa naman itong malakas na simbolo ng empowerment.

“66 never felt so good,” sulat niya sa kanyang caption. “Stay empowered in your skin, #happyinternalwomensday ✨”

Sa pangmalakasang entry na ‘to ni Dra. Belo, hindi lamang netizens ang napanganga kundi ay pati na rin ang iilan sa mga malalaking pangalan sa industriya ng Pinoy showbiz katulad na lamang nina Ruffa Gutierrez, Anne Curtis, Pia Wurtzbach, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, Jane De Leon, Ivana Alawi, Alex Gonzaga at marami pang iba.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sultry na entry ni Dra. Belo sa celebration ng women’s month gayong madalas natin siyang nakikitang naka-formal na attire o ‘di kaya’y nakasuot sa kanyang med gown kaya kuhang-kuha talaga niya ang atensyon ng publiko sa agaw-pansin niyang post.

Credit: @victoria_belo Instagram

Sa positive na impact na hatid ni Dra. Vicki Belo sa kapwa niya mga kababaihan, mas lumakas at mas ramdam pa ng lahat ngayon ang women empowerment. Hindi lang naman kasi ito simpleng larawan na nagpapakita ng balat kundi ay pagbibigay inspirasyon sa confidence na nabuo niya sa kanyang sarili matapos ang mahabang panahon na pagpipigil.