Vico Sotto, pinaw0w ang mga dumalo sa isang event nang mashoot ang basketball kahit nakatalikod sa ring

Muling pinabilib ng alkalde ng Pasig ang ilang mga residente na dumalo sa inauguration ng isang bagong Multipurpose building sa Santolan. Ito ay dahil sa kanyang ginawang ceremonial free throw shot na talaga namang nagpahiyaw sa mga dumalo sa event.

Credit:Ā @vicosotto Instagram

Imbis kasi na paharap na mag-shoot ng bola si Vico ay ikinagulat ng marami nang bigla itong tumalikod sa basketball ring at binato ang bola patalikod.

Bigla namang naghiyawan ang mga tao nang na-shoot ang bola. Mukhang ikinagulat din ng batang alkalde ang nangyari at sinabing nakatsamba siya muli. Maririnig ang mga dumalo sa event na natuwa at namangha sa nangyari.

Kasama ni Vico sa inauguration ang dating sikat na basketball player na si Dodot Jaworski na katulad ni Vico ay nag-shoot din ng bola.

Sa isang Instagram post ni Vico ay ipinapakita niya ang isa pang pagkakataon kung saan siya ay nagceremonial first shot sa isa pang proyekto sa kanilang lungsod. Sa kanyang post ay sinabi niyang isang taon na din siyang hindi naglalaro ng basketball ngunit buti na lang daw ay nakatsamba siya at nashoot niya ang bola.

“CEREMONIAL FIRST SH0T / Inaugurati0n of San Miguel Barangay Hall + C0vered Court. Mahigit isang ta0n nang walang šŸ€ kinabahan tul0y ako.. buti nakatsamba šŸ˜‚”Ā ito ang naging caption ni Vico sa naturang post.

Credit:Ā @vicosotto Instagram

Ilang netizen ang nagpahayag ng paghanga ng alkalde:

“H0n uwi ka na di na k0 galit šŸ„°šŸ„°ā¤ļø”

“nakita k0 t0 sa tikt0kšŸ˜šŸ˜ galing May0r ā¤ļøā¤ļø”

\Credit:Ā @vicosotto Instagram

“sana0l magaling sa basketball XD”

“Hi May0r @vic0sotto you’re n0t only hands0me and intelligent, y0u a have a compassion and integrity to y0ur constituents. Stay humble, kind and safe always. G0d bless. šŸ˜Š”

Kilala si Vico hindi lamang sa kanyang mga accomplishments kundi pati na rin sa kanyang pagiging kwela lalo na sa kanyang mga post sa social media.

Credit:Ā @vicosotto Instagram

Si Vico Sotto ay anak ng batikang aktor at host na si Vic Sotto at ng napakagaling na aktres na si Coney Reyes.