Video ni Anne Curtis at Erwan Heussaff na nagluluto, kinakiligan ng mga netizen

Kakaiba talaga pumana si kupido dahil sinisiguro lang naman niyang hindi lamang pagmamahal ang mamumuo sa pagitan ng dalawang tao kundi ay pati na rin ang kanilang chemistry na tila ba’y isang patunay na nakatadhana talaga sila sa isa’t-isa katulad na lamang ng couple na si Anne Curtis at Erwan Heussaff na kahit matagal namang nagsasama ay wala pa ring kakupas-kupas ang kilig na naibibigay nila sa atin.

Credit: Featr YouTube

Sa mundo ng showbiz, maituturing talaga na kabilang sa “elite couple” ang mag-asawang si Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil patuloy lang naman silang tinitingala ng karamihan dahil sa pagiging “goals” ng kanilang healthy na relationship. Bagama’t hindi man pareho ng career at parehong abala sa kani-kanilang trabaho, maayos naman nilang nababalanse ang kanilang oras para sa kanilang chikiting na si baby Dahlia at para na rin sa kanilang quality at exclusive na panahon kasama ang isa’t-isa.

Kahit na’y hindi man pinasok ni Erwan ang pag-aartista, kilala naman siya ng karamihan dahil sa kanyang impeccable na skills sa pagluluto at paghahanda ng iba’t-ibang masasarap na mga pagkain kaya madalas talaga na date nila ng aktres ay ang pagbo-bonding sa gawaing-kusina katulad na lamang nitong nakaraan nang ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel ang adorable na moment nila ni Anne habang sinusubukan nilang gawin ang sandwiches na kasalukuyan ngayong sikat sa Tiktok.

Credit: Featr YouTube

Sa tulong ni Erwan na siyang nagbibigay ng instructions, sinubukan talaga ni Anne na magtagumpay sa paggawa ng Grinder at One Pan Grilled sandwiches na pareho namang approved sa kanyang asawa pero maliban sa nakakatakam na pagkaing hinahanda ng couple, hindi rin nakalagpas sa pansin ng netizens ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa.

Sa maraming taon na pagsasama ni Anne at Erwan bilang couple, natural na talagang comfortable sila sa isa’t-isa at bagama’t normal man ang paraan ng kanilang pag-uusap at behavior nila sa presence ng isa’t-isa ay hindi talaga naiwasan ng karamihan na kiligin sa kanila.

“Too much cuteness on this video hindi ko na ma-isa-isaπŸ˜„”

“Literally smiling cheek to cheek!! More of this content pleaseeeeeeeeeee!🀣😍”

“I smiled the whole time πŸ₯°πŸ˜Š”

Credit: Featr YouTube

“I was smiling the whole time………more more more of this series!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“You guys cute while cooking, wifey and husband bonding, thats healthy”

Credit: Featr YouTube

Kahit na’y gumagawa lamang sandwiches si Anne Curtis at Erwan Heussaff, hindi pa rin talaga natin maiiwasan na mapansin ang cuteness at kilig ng couple dahilan kung bakit todo sa pakikiusap ang netizens ngayon na magkaroon pa sila mas maraming cooking episodes.