Video ni Anne Curtis habang nag-eehersisyo kasama ang anak na si Dahlia Amèlie, pinusuan ng mga netizen

Mahirap para sa mga ina na makahanap ng oras para sa pag-ehersisyo lalo na kapag may sanggol o maliit pa silang anak na inaalagaan.

Credit: Anne Curtis Instagram     

Ngunit may mga nanay pa rin na sinisigurado na gaano man sila ka-busy sa kanilang mga responsibilidad bilang isang magulang ay nagagawa pa rin nilang mag-ehersisyo.

Kagaya na lamang ng aktres na si Anne Curtis na nakahanap ng isang malikhaing paraan para makapag-ehersisyo kahit na binabantayan niya ang kanyang siyam na buwang gulang na anak na si Dahlia Amèlie.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa kanyang Instagram ay inupload ni Anne ang isang video kung saan mapapanood siyang nag-eehersisyo habang hawak ang stroller ng kanyang anak.

Ginamit ni Anne bilang isang improvised gym equipment ang stroller ng kanyang anak sa kanyang pag-eehersisyo.

Credit: Anne Curtis Instagram

Bago pa maging isang ina si Anne ay kilala na siya bilang aktibo sa pag-eehersisyo. Ngayong mayroon na siyang anak, aminado si Anne na naging mahirap para sa kanya na makahanap ng oras para sa pag-eehersisyo.

Ani Anne, “Squeezing in a workout is always tricky now that I have my little one.”

Sobrang saya naman ni Anne matapos niyang matuklasan ang isang exercise routine na pwedeng-pwede niyang gawin habang ipinapasyal niya si Dahlia Amèlie sa labas.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ani Anne, “So happy to discover this fun way of working out while going on my daily walks with Dahlia.”

Samantala, sa ngayon ay pumalo na sa mahigit 400K ang likes na nakuha ng video ni Anne sa Instagram.

Maraming netizens ang humanga kay Anne dahil sa kapansin-pansin na pagbabalik ng kanyang fit na pangangatawan. Narito ang ilang komento ng netizens:

Credit: Anne Curtis Instagram

“Looking sooooooo sooooo fit ate!!!!”

“it’s the abs for me”

“grabeng h0t mama idol, pati si Dahlia mapapa-stretch”

“Wow ang liit na agad ng tummy mo parang walang nangyare”

Credit: Anne Curtis Instagram

“Grabeeee. May abs na agadddd”

Marso nang isilang ni Anne ang unang anak nila ng kanyang asawa na si food vlogger-restaurateur Erwan Heaussaff.

Credit: Anne Curtis Instagram

Halos mag-iisang taon na noong lumipad patungong Melbourne, Australia ang buong pamilya ni Anne.

Sa pamamagitan ng social media ay nagbibigay update si Anne sa kasalukuyang buhay nila ng kanyang asawa’t anak sa Australia.