Video ni Baby Thylane na binibigkas ang pangalan ng kanyang pinsan na si Baby Dahlia, naghatid ng good vibes sa mga netizen!

Kinatuwaan ng marami ang paraan ng pagsambit ng anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Baby Thylane Katana o mas kilala rin bilang Tili sa pangalan ng kanyang pinsan na si Baby Dahlia Amèlie.

Credit: @_tilibolz Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram, makikita na naglalaro ang magpinsan.
Hanggang sa sinubukan nga ni Baby Dahlia na kunin ang hawak na laruan ni Baby Tili.

Mukhang ayaw namang ibigay ni Baby Tili ang kanyang laruan kaya nang abutin ito ni Baby Dahlia ay nasambit na lamang niya ang pangalan nito.

Credit: @_tilibolz Instagram

Maririnig nga sa video ang napaka-cute na may halong lambing na pagbigkas ni Baby Tili sa pangalan ng kanyang nakababatang pinsan.

Sa sumunod na video na ibinahagi ni Solenn ay makikita naman ang paglalambing ni Baby Tili at pinahiram pa sa kanyang pinsan ang kanyang laruan na isang pekeng saging!

Talaga nga namang matutunaw ang iyong puso kapag makikita mo kung gaano kalapit at ka-sweet sa isa’t isa sina Baby Tili at Baby Dahlia kahit pa nito lamang sila nagkita.

Credit: @_tilibolz Instagram

Si Baby Dahlia Amèlie ay anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na nito lamang February ay umuwi na sa Pilipinas.

Mas matanda ng dalawang buwan si Baby Tili kay Baby Dahlia. Si Baby Tili ay isinilang ni Solenn noong January 1, 2020. Si Baby Dahlia naman ay ipinanganak ng “It’s Showtime” host noong March 2 sa Australia.

Dahil matagal din silang hindi nakauwi kaya talagang binabawi nila ang mga panahon na nawalay sila sa kanilang pamilya rito sa Pilipinas.

Magmula kasi nang makauwi sila sa bansa ay tila araw-araw na nagbo-bonding ang pamilya nina Solenn at Anne. Siyempre, kasama na rito ang kanilang mga chikiting.

At ang nasabing video ng kulitan nina Baby Tili at Baby Dahlia ay isa lamang sa mga video na inaabangan ng mga netizen.

Credit: @_tilibolz Instagram

Tulad kasi ng kanilang mga magulang, maituturing din na sikat at paborito ng mga netizen ang magpinsan. Sa katunayan, hindi na makapaghintay ang lahat na mapanood ang kanilang mga susunod na bonding moment na tiyak maghahatid naman ng good vibes!