Video nila Donnalyn Bartolome at JM De Guzman na magkasama, pinakilig ang mga netizen

Kahit na’y purong magkaibigan lamang, may iilan talaga na hindi naitatago ang chemistry sa kanilang pagitan marahil ay dahil sa familiarity at comfort na dulot ng ilang taon nilang pagkakaibigan ngunit may chance ba na ang dating magkaibigan ay mauwi sa magka-ibigan?

Credit: @Donnalyn YouTube

Sino ba ang mag-aakala na magdudulot ng intense na kilig ang pairing ni Donnalyn Bartolome at JM De Guzman? Sa latest na vlog, mapapanood ang pagsabak ng aktres-vlogger sa “Extreme [email protected] Challenge” kasama ang kanyang kaibigan na si JM sa loob ng 24 oras kung saan ay magkasama nilang ginawa ang araw-araw nilang routine katulad na lamang ng pagkain, pagsisipilyo, pagpapaligo sa mga alagang puso ni Donna, pagtulog, at iba pa.

Kahit na’y nahihirapan, determinado pa rin na pinagpatuloy ng dalawa ang challenge. Parehong aminado na hindi basta-bastang sumusuko, talagang pinatunayan ni Donnalyn at JM na hindi sila ang tipo na umuurong na lamang.

Sa pagsapit ng hapon, nagpatugtog ng gitara ang aktor. Kahit na’y ayon kay Donna na subscribers niya ang hinaharana ng kaibigan, hindi maiwasan ng netizens na mapansin ang tinginan ng dalawa dahilan kung bakit mas lumakas pa ang nararamdaman nilang kilig.

“luh bakit nakakakilig ate donna😍 kakaiba ung chemistry nyo kahit magkaibigan lang kayo.”

“Nakakilig tlga kayong dalawa lakas ng chemistry nyo hehehe love u both po mga lods”

Credit: @Donnalyn YouTube

“naka ngiti lang ako the whole vlog may chemistry kayo ate donna WHAAAAAA”

“Omg, nakakakilig paulit ulit ko pa pinanood yung tingin ni Mr. JM Sayo ate Donna☺️😍😍. May chemistry 💖💖”

Credit: @Donnalyn YouTube

Maliban sa kilig, wala ring katapusan ang kulitan ng magkaibigan dahil ayon kay JM, nakasanayan umano niyang mag-shower bago matulog sa gabi at dahil sobrang eager na matapos ang challenge nang walang nilalabag na rules, sinamahan ni Donna ang aktor habang nagsho-shower ito.

Kahit sa pagtulog, hindi pa rin nila tinatanggal ang [email protected] at wala rin sa kanilang dalawa ang gustong sumuko kaya talagang matagumpay nilang na-accomplish ang challenge.

Credit: @Donnalyn YouTube

Bagama’t marami man ang kinilig ng sobra sa unexpected na tambalang ito ni Donnalyn at JM, nilinaw naman ng vlogger na walang kahit anong malisya ang namamagitan sa kanila. Kahit na’y ganoon, hindi naman maitatangi ang chemistry sa kanilang pagitan.