Videos nila Solenn Heussaff at baby Tili na naglalaro sa ulan, pinuri dahil ipinakita ang parenting style nila Solenn at asawa nito

Walang makakapigil sa bonding sesh ng mag-inang si Solenn Heusaff at baby Thylane! Umulan o uminit man, walang makakahadlang sa saya na dulot ng paglalaro para kay baby Thylane.

Credit: @_tilibolz Instagram

Sa mga nagdaan na araw kung saan ay malakas ang pagbuhos ng ulan at hindi naging maganda ang panahon ay napiling mag-stay ang karamihan sa loob ng kani-kanilang bahay. Ganito man ang sitwasyon ng halos lahat ay talagang kakaiba naman si Solenn at baby Thylane dahil hindi nila ininda ang masamang panahon at nagawa pa nga na mag-enjoy at maglaro sa ilalim ng ulan.

Sa kanya-kanyang Instagram stories ng mag-asawang sina Solenn at Nico Bolzico ay makikitang sobrang nag-enjoy si Mommy Solenn at baby Thylane sa labas ng kanilang bahay habang patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Sa video na ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram stories ay makikitang nakasuot si baby Thylane ng raincoat upang kahit papaano ay maprotektahan siya sa ulan. Sobrang cute naman ng anak nina Solenn at Nico habang suot-suot ang raincoat!

Makikitang nakahawak ng payong si baby Thylane pero dahil sa laki nito ay hindi niya maayos na nahahawakan kaya nagdala rin ng isang payong ang kanyang Mommy Solenn upang maprotektahan silang dalawa sa ulan.

Credit: @_tilibolz Instagram

Talon nang talon si baby Thylane at makikita naman sa kanyang ekspresyon na sobrang saya niya sa ginagawa. Ito ang first time niyang makapaglaro sa ilalim ng ulan.

Mukha namang hindi lamang si baby Thylane ang nag-enjoy dahil pati naman si Solenn ay sobrang natuwa sa ginagawa. Maririnig ang kanyang tawa at halinghing sa video habang binabantayan ang kanyang anak.

Credit: @_tilibolz Instagram

Sa isang fan account na nakapangalan kay baby Thylane sa Instagram ay ni-repost ang video ni Solenn at Nico kung saan ay umani ng sari-saring magagandang papuri mula sa kanilang fans.

“So that tili will not be afraid of the rain. ang tibay cguro ng batang yan pag laki. That is a 101% best parenting. Really love what you are doing solen and nico.”

“Nice solenn….a life that a child must experience”

“So happy to see this kind of parenting you have with Tili!!! You are really teaching her to love nature even at its worst..to enjoy every moment and not fear anything that other parents would mostly make their kids scared of.”

Credit: @_tilibolz Instagram

Marami ang natuwa at naaliw sa bonding ng mag-ina. Humanga rin ang netizens sa uri ng parenting nina Solenn at Nico sa kanilang unang anak. Dahil dito ay kaagad na nag-viral ang video ni Mommy Solenn at baby Thylane!