Vilma Santos, aminadong nagulat siya sa itsura ng anak na si Luis Manzano noong bagong silang ito

Napuno ng tawanan at kulitan ang naging panayam ni Luis Manzano sa kanyang inang si “Star for All Seasons” Vilma Santos kamakailan lamang.

Credit: Luis Manzano YouTube

Sa vlog entry ni Luis noong September 7, mapapanood ang naging heart-to-heart talk nila ng kanyang ‘Momski’.

Maraming bagay tungkol sa kanya at sa kanilang relasyong mag-ina ang nalantad sa vlog. Sa simula pa lamang ay puro maiinit na tanong na ang ibinabato ni Luis sa kanyang mommy.

Credit: Luis Manzano YouTube

Isa nga rito ay kung totoo bang hindi nagustuhan ni Ate Vi ang kanyang hitsura noong una siya nitong makita. Tila matagal nang gustong kumpirmahin ni Luis sa kanyang ina ang bagay na ito. Walang pag-aalinlangan namang sinagot ni Ate Vi ang tanong ni Luis.

Sa kanilang panayam, tawang-tawa si Ate Vi habang ibinubunyag na totoong [email protected] siya kay Luis noong una niya itong masilayan sa loob ng nursery room ng 0spital.

Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram

Ayon pa kay Ate Vi, nasorpresa siya nang makita niya si Luis pagkatapos niya itong ipanganak. Hindi raw talaga niya nagustuhan ang hitsura ni Luis noong una dahil wala umano itong mga kilay at napakaputi pa.

“Nu’ng ipinanganak kita, caesarean ako nu’ng pinanganak kita. Tapos nu’ng dadalhin na ako, kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon,” kwento ni Ate Vi.

Natatawang dagdag ni Ate Vi, “Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang to. Ang puti-puti.’ Pangit kasi wala siyang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak araw.”

Kung ilalarawan nga raw ni Ate Vi si Luis noong bagong panganak pa lamang ito, para raw umano itong isang malaking puting daga.

Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram

“Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?” sabi pa ni Ate Vi.

“Bakit ganito itsura? Walang eyebrows pati pilik-mata. Ang puti-puti. Parang malaking daga! ‘Ito ba ’yong anak ko? Hahaha!” dagdag pa ni Ate Vi.

Ngunit iginiit ni Ate Vi na sa una lamang siya hindi nagwapuhan sa kanyang panganay. Habang tumatagal at nang lumalaki na raw kasi si Luis ay nagbago na ang hitsura nito at gumagwapo na sa kanyang paningin.

Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram

Samantala, sinariwa rin ni Ate Vi sa vlog ang kanyang naramdaman noong nalaman niyang siya ay buntis.

Aminado si Ate Vi na maraming katanungan ang pumasok sa kanyang isip nang nakumpirma niyang siya ay buntis, kabilang dito ang mangyayari sa kanyang showbiz career.

Credit: @rosavilmasantosrecto Instagram

Sinabi naman ni Ate Vi na nagpapasalamat siya sa mga tao dahil natanggap ng mga ito ang kanyang pagbubuntis. Imbes nga raw magbago ang paningin ng tao sa kanya ay mas lalo pa siyang minahal ng mga ito.

Masasabi nga ni Ate Vi na talagang “swerte” si Luis sa kanyang buhay dahilan kung bakit “Lucky” ang ipinangalan niya rito.