Hindi makapaniwala si actress-singer Vina Morales na mangyayari sa kanya ang insidente kung saan ay may kumuha ng kanyang cellphone habang nakasakay siya sa kanyang kotse kamakailan lamang.

Sa isang Instagram post nitong October 2, ay ikwenento ni Vina ang nangyari sa kanya na unang beses umano niyang maranasan sa kanyang buhay.
Nangyari umano ang pagkuha sa kanyang cellphone sa tapat lang ng isang gasoline station sa EDSA. Ayon sa singer, nasa loob siya ng kanyang kotse at nakalimutan niyang isara ang mga bintana nito nang nangyari ang insidente. Ayon kay Vina ay ginagamit niya ang kanyang cellphone nang kunin ito ng hindi kilalang tao.

Inisyal na reaksyon umano ni Vina na habulin ang kumuha sa cellphone niya. Kwento ni Vina, “Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag-sn@tch ng Phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang Window habang nasa edsa, tapat po ng Phoenix gasoline station.”
Dagdag ni Vina, “reaction ko po ay hinabol ko, meron po akong nakita na tao sabi may alam po sya”.

Rumesponde naman agad ang pul!sya at inimbitahan si Vina sa pres!nto para pormal na maghain ng report. Tinanggihan na lamang ito ni Vina dahil sa kasalukuyang kinakaharap na p@ndemya.

Inamin pa ni Vina na nalungkot umano siya dahil may mga tao pa ring hindi gumagawa ng mabuti sa kanilang kapwa.
Aniya, “Telepono lang naman yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao”.

Nagpasalamat naman si Vina sa mga taong tumulong sa kanya. Ani Vina, “Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin.”
Sa huli, ay pinayuhan ng actress-singer ang lahat na maging maingat. Dagdag niya, Diy0s na rin daw ang bahala sa kumuha ng kanyang cellphone.

Saad ni Vina, “Etong message ko just letting you know na mag-ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya.”

Si Vina ay kasalukuyang mapapanood sa isang musical sitcom sa NET25 channel.