Vlog ni Andi Eigenmann sa buhay-probinsiya kasabay ng pagbabalik ni Ellie sa Siargao, kinagiliwan sa social media Ellie, balik Siargao ulit!

Hindi kailanman nabigo sa paghahatid ng good vibes si Ellie Eigenmann at dahil dito, patuloy na dumadami ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Credit: @andieigengirl Instagram

Simula nang ipinakilala sa publiko ang anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie, sentro na rin siya ng atensyon ng publiko. Sa mga nakakatuwang conversation nila ng ama hanggang sa Siargao adventures niya kasama ang kanyang Mommy Andi at ang fiancé ng kanyang mommy na si Philmar Alipayo, effortless na napapasaya ni Ellie ang netizens.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bagama’t matagal namang magkahiwalay sina Andi at Jake, nananatili pa rin ang maganda nilang relasyon bilang “co-parents”. Sa set-up nilang ito, palipat-lipat si Ellie sa Manila at Siargao kung saan ay kasalukuyang namumuhay ngayon ang kanyang Mommy Andi kasama si Philmar at ang mga nakababata niyang kapatid na sina Lilo at Koa.

Kapag nasa Manila kasama ang kanyang Daddy Jake, talagang sinusulit ni Ellie ang buhay sa siyudad at kapag nasa Siargao naman, all-out naman siya sa lahat ng activities.

Credit: @andieigengirl Instagram

Nagbahagi si Andi ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ay mapapanood ang lahat ng ginawa nila nang balik Siargao ulit si Ellie.

Sa pagbabalik ni Ellie sa isla ng Siargao, talagang enjoy na enjoy siya sa buhay probinsya kung saan ay sinulit niya ang buong araw sa pagsu-surf at pagske-skate kasama ang kanyang mga nakababatang kapatid.

“Ate’s back! Island living once again,” sabi ni Andi nang itinutok kay Ellie ang kamera.

Ibinahagi rin ni Andi sa Instagram ang mga larawang kuha niya sa kanilang “Skating Sesh”.

Credit: @andieigengirl Instagram

“Photo dump from that fun skate day! First time doing this as a fam, nice way to welcome Ellie back home. She also surfed, did this & more,” sulat ni Andi sa kanyang caption.

Napaka-cute rin tingnan ng larawan nina Ellie, Lilo, at Koa kung saan ay hindi lahat sila ay nakatingin sa kamera na ayon kay Andi, “It’s been getting harder to have all 3 of them looking at the cam at once. 2/3 will do.😅”

Enjoy na enjoy din ang buong pamilya kasama ng iilang kaibigan nila sa isla kung saan ay naglaro at kumain sila sa tabing-dagat. Matapos ang kanilang activities at nakabalik na sa kanilang bahay, nagkaroon din ng jackstone competition sila Ellie, Philmar, at Andi na siyang nagpapakitang gilas sa kabuuan ng laro.

Talagang super na nag-enjoy si Ellie, mapa-Manila man kasama ang kanyang Daddy Jake o nasa Siargao man kasama ang kanyang Mommy Andi at mga kapatid.