Pinawow ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang milyun-milyong tagahanga sa kanyang disney princess-inspired maternity photoshoot kung saan ay nagbihis siya bilang anim sa mga paborito niyang disney princess character.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Talagang pinaghandaan ni Zeinab at ng kanyang team ang kanyang bonggang maternity photoshoot na kakaiba sa mga tipikal na maternity photoshoot.
Sa kanyang Instagram account, ipinasilip ni Zeinab ang anim na nakakamanghang litrato niya bilang si Snow White, Jasmine, Cinderella, Aurora, Ariel at Belle.
Mula sa kanyang disney princess costume, props hanggang sa set design ay halatang ginastusan at pinaglaanan ng oras ang maternity photoshoot ni Zeinab.
View this post on Instagram
Mapapanood naman sa YouTube vlog ni Zeinab ang behind-the-scenes ng kanyang maternity photoshoot.
Kwento ni Zeinab, isang buwan na ginawa ang iba’t ibang set design para maging swak sa bawat disney princess.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Sa vlog, makikita rin ang labis na kasiyahan ni Zeinab dahil naging matagumpay ang kanyang maternity photoshoot.
Ayon kay Zeinab, pangarap daw talaga niya ang magkaroon ng disney princess-inspired photoshoot. Paborito rin daw niyang manood ng mga disney movie kaya naman dito niya kinuha ang inspirasyon sa kanyang maternity photoshoot.
View this post on Instagram
Ani Zeinab, “Kakaibang maternity shoot to kasi hindi siya yung tipikal na maternity shoot na nakikita ninyo kasi ito ay binase ko sa childhood favorite ko which is yung disney princess.”
Bukod dito ay nagtrabaho rin umano siya noon sa isang mall bilang isang disney princess.
Aniya, “Kinikilig ako kasi pangarap ko kasi ‘to tapos nagdi-disney princess ako dati sa mga mall dati ‘yun yung trabaho ko di ba?”
Credit: @zeinab_harake Instagram
Ibinahagi rin ni Zeinab na mula sa kanya ang ideya na isang disney princess-inspired maternity photoshoot ang kanyang gagawin.
Masasabi nga ni Zeinab na natupad na niya ang kanyang pangarap noong bata pa siya.
Saad ni Zeinab, “Sobrang happy ko kasi ito talaga ang gusto kong maging maternity shoot. Isa sa mga maternity shoot ideas ko. Naisip ko ‘to dating-dati pa kasi nga mahilig akong mag-Disney Princess. And nagawa ko siya.”
View this post on Instagram
Sinabi rin ni Zeinab na kapag lumabas na ang anak nila ni Filipino rapper Daryl Borja Ruiz a.ka. Skusta Clee ay sasabak muli siya sa isa na namang disney princesses-inspired photoshoot ngunit kasama na ito.
Matatandaang inanunsyo ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis Disyembre noong nakaraang taon kasabay nang pag-aanunsyo niya na nagkabalikan na sila ni Daryl.