Wagas na pagmamahalan ni Camille Prats at VJ Yambao, umabot na ng siyam na taon!

Tila ba’y kahapon lamang nagsimula ang pagsibol ng pagmamahalan ni Camille Prats at VJ Yambao dahil sa mahabang panahon nilang pagsasama, buhay na buhay pa rin ang kanilang wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa.

Credit: @camilleprats Instagram

Isang magandang example ang relationship ng mag-asawang Camille at VJ dahil patuloy na pinagtitibay ng panahon ang kanilang pagmamahalan. Kung para sa iba’y unti-unting nawawala ang kanilang nararamdaman sa patuloy na paglipas ng panahon, para naman sa couple, ang bawat taong lumilipas nang sila’y nagsasama ay isang katibayan sa kanilang romantikong pagmamahalan.

Talagang nararamdaman na ng karamihan ang papalapit na kapaskuhan pero para sa aktres at host na si Camille at sa kanyang asawa, muli na naman nilang sinalubong ang buwan ng Disyembre ng isang selebrasyon upang ipagdiwang ang kanilang ika-9 na anniversary!

Credit: @camilleprats Instagram

Sa kanilang ika-siyam na anibersaryo, napagdesisyunan ng couple na magkaroon ng intimate at simpleng dinner date kung saan ay nakatanggap ng napakalaking bouquet ng pulang rosas si Camille galing sa asawa.

“9 years later. Still unpretentious, always authentic and just simply being me when I’m with you.❤️” pahayag ni Camille sa kanyang caption kalakip ng mga larawan nila ni VJ na kuha sa kanilang romantikong date.

Ayon pa sa aktres, hindi na rin siya makapaghintay sa mga gagawin nilang adventures ng asawa at mas pagtibayin pa ang foundation ng kanilang pagmamahalan.

Credit: @camilleprats Instagram

“9 years came by so easy, love. 🥰 Can’t wait to see the adventures we’ll take together as we grow deeper in faith and closer to the One who made our paths meet,” saad ni Camille.

Samantala, nagbahagi rin ng mga larawang kuha sa kanilang date ang asawa ng aktres na si VJ Yambao na isang businessman. Hindi naman napigilan ng kanyang followers na makaramdam ng kilig dahil sa napakasweet nitong mensahe para kay Camille.

“Trust in your queen. She makes moves the king can’t. Happy anniversary my love! ❤️ Grateful for 9 solid years together and still counting, excited to see what He has in store for us, let’s cling to the One who is in control ❤️,” sulat ni VJ sa kanyang caption.

Credit: @camilleprats Instagram

Kahit na’y mga larawan lamang ang ibinahagi ng couple sa kani-kanilang Instagram account, ramdam na ramdam pa rin ng kanilang fans ang kilig at romansang namamagitan sa kanilang dalawa.

Talagang pinatunayan ni Camille at VJ na walang sukatan ang tunay nilang pagmamahalan dahil tingnan mo nga naman at umabot na sila ng siyam na taon at mas hihigit pa ito sa paglipas ng panahon!