Isang magandang balita ang ibinahagi ng mag-asawang sina Neri Naig at Chito Miranda sa lahat nito lamang nakaraang “Mother’s Day”.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Pinili ng celebrity couple na i-anunsyo ang pagbubuntis ni Neri sa mismong espesyal na araw para sa mga ina.
Ipinost ni Neri sa kanyang Instagram ang isang litrato niya kung saan makikita ang kanyang baby bump. Todo pose si Neri sa litrato habang naging background niya ang napakagandang dagat at sunset view.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Simple lamang ang naging caption ni Neri sa litrato ngunit ramdam ang pagmamahal niya sa kanilang bunsong anak ni Chito.
Aniya, “Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso.”
Habang sa Instagram account naman ni Chito ay ibinahagi naman niya ang nakakatuwang litrato nila ni Neri kung saan ay ginagaya niya ang pose nito.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Binati ni Chito ang kanyang katuwang sa buhay ng “Happy Mother’s Day”
Nagbiro pa si Chito at sinabing “busog” lamang umano siya kaya naman may umbok din ang kanyang tiyan. Ayon pa kay Chito, si Neri lamang ang magiging ina ulit.
Aniya, “Happy Mothers’ Day!!! Busog lang ako.✌🏼😅 Si Neri, magiging mommy na ulit.😊👍🏻❤”
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Pabirong sinabi rin ni Chito ang sikat na linya ng mga mag-asawa na mayroong bagong silang na anak. Mukhang handa na si Chito na magpuyat para alagaan ang kanilang bunsong anak ni Neri.
Aniya, “And again, ‘walaaaaang tulugaaaan!!!'”
Kahit naman mapupuyat siya sa pagbabantay, hindi maiwasan ni Chito na ma-excite sa pagdating ng kanilang pangalawang anak.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Ani Chito, “Pero sa totoo, excited na excited na ako hehe!”
Samantala, bumuhos naman ang pagbati para kina Neri at Chito mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at mga tagahanga.
Sina Kaye Abad, Carla Abellana, Iya Villania, Jennica Uytingco, Candy Pangilinan ay ilan lamang sa mga artistang nagpahayag ng kanilang pagbati para kina Neri at Chito.
Ipinanganak ni Neri ang unang anak nila ni Chito na si Miguel Alfonso “Miggy” noong November 2016. Noon lamang ding December 2020 ay ipinagdiwang nina Neri at Chito ang kanilang ika-6 na wedding anniversary.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Sa ngayon ay masayang naninirahan sina Neri at Chito sa kanilang napakagandang bahay sa Alfonso, Cavite.