Walang kupas na kagandahan ni Judy Ann Santos, kitang-kita sa mga letrato nito na kuha ng isang sikat na photographer

Isa sa mga premyadong aktres si Judy Ann Santos na kabilang sa mga artistang nagsimula sa industriya ng showbiz bilang child star.

Sa murang edad ay ipinamalas na ni Juday ang kanyang husay sa pagganap sa mga pelikula at soap opera na nagsimula noong dekada 80.

Credit: @markednicdao Instagram

Sampung taong gulang si Juday ng sumabak sa seryeng, “Ula, Ang Batang Gubat” hanggang sa magsunod-sunod na ang kanyang mga proyekto at mas lalong ipinamalas ang husay sa Mara Clara kung saan nakasama niya ang mahusay na kontrabida na si Gladys Reyes.Ang nasabing proyekto na pinagsamahan nilang dalawa ay talagang tumatak sa puso ng bawat manonood .

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, ilang ulit na siyang nakatanggap ng parangal bilang isang mahusay na aktres.

Pinakilig din ni Juday ang mga fans sa kanyang mga pelikula kasama ang mga naging ka-loveteam na sina Wowie de Guzman, Rico Yan at Piolo Pascual.

Ngayo’y matagal na ngang hindi napapanood ng mga fans si Juday sa telebisyon kaya naman lubos na ikinatuwa ng mga ito ang Instagram post na ibinahagi ng sikat na photographer na si Mark Ed Nicdao.

Credit: @markednicdao Instagram

Makikita ang mga larawan sa nasabing Instagram post kung saan masisilayan ang walang kupas na kagandahan ng premyadong aktres.

“Juday” simpleng caption sa nasabing IG post subalit ang mismong larawan ay sadyang agaw-pansin at hinangaan ng mga netizen.

Sa tatlong larawang ibinahagi ng sikat na photograher, makikita ang walang kupas na kagandahan ng aktress na tila hindi tumatanda sa kabila ng edad na 43.

Maraming netizen maging mga kapwa artista ang nagkomento sa nasabing IG post kabilang na ang mister nitong si Ryan Agoncillo.

Credit: @markednicdao Instagram

“Wow chicks,” komento ni Ryan na may kasama pang pusong emoji.

Isang netizen naman ay nagkomentong tila si Luna daw, ang bunsong anak ni Juday ang nakikita niya sa mga larawan.

“Walang kupas. Habang nagkakaedad lalo naman gumanda. Iba ka talaga Juday. How to be you po?” dagdag na komento ng isa pang netizen.

Kaya naman lubos na natuwa ang mga fans na mula noon hanggang ngayon ay hindi sila nawawalan ng dahilan upang patuloy na humanga at bumilib sa kanilang idolo.