“Welcome back, Anne!”: Anne Curtis, nakauwi na sa Pilipinas kasama ang asawang si Erwan at anak na si Dahlia

Sa wakas! Nakauwi na sa Pilipinas si “It’s Showtime” host Anne Curtis at ang kanyang mister na si Erwan Heaussaff matapos ang mahigit isang taong pamamalagi sa Melbourne, Australia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ngayong araw, February 10, ibinahagi ni Erwan sa kanyang Instagram ang isang maikling video na nagpapakita ng biyahe nilang magpamilya mula sa Australia pauwing Pilipinas.

Mapapanood din sa video ang ilang video clip na kinunan mula sa kanilang hotel na tinutuluyan habang sumasailalim sila sa qu@rantine.

Credit: @erwan Instagram

Base sa caption ng kanyang post, noong February 4 pa sila nakauwi sa Pilipinas at 8 araw na lamang ay matatapos na ang kanilang 14-days qu@rantine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Sulat ni Erwan sa caption, “Melbourne to Manila and 6 days hotel qu@rantine done ✅ 8 days of Home Isolation to go.”

Samantala, mainit namang winelcome ng mga netizen sina Anne at Erwan sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Maraming netizens naman ang excited nang makita ang mga susunod na social media update nilang mag-asawa.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Hindi na rin makapaghintay ang ilang netizens na makita ang mga video at litrato ng 11 buwang gulang na anak nina Anne at Erwan na si baby Dahlia Amèlie.

Sa Australia kasi isinilang ni Anne si baby Dahlia Amèlie kaya naman ito rin ang unang beses na makakatapak siya sa Pilipinas.

Ilang “It’s Showtime” fans din ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagbabalik ni Anne. Komento ng netizens:

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Woahhhh I cant wait for dahlia and tili to meet❤️❤️❤️❤️❤️”

“Welcome back can’t wait to see you with Nico and Wil”

“Yay! Welcome home Heussaff Fam. Can’t wait to see you again in Showtime Ate @annecurtissmith”

“Welcome to the PH dahlia!!!! Can’t wait for the showtime family to reunite again with anne!”

Credit: @annecurtissmith Instagram

Matatandaan na noong December 2019 pa lumipad patungong Australia si Anne. Sa isang panayam noong September 2020, ikwenento ni Anne na biglaan ang naging desisyon nila na sa Australia siya manganganak.

Ani Anne, “Actually, it was a last minute decision. Kasi I’d already chosen a doctor and a hospital and then, parang last minute I decided na parang I was working so hard kasi and parang hindi nila ako mapigilang mag-work.”

Credit: @annecurtissmith Instagram

Dagdag niya, “So I felt that one way that would really get me to stop working is to just kind of be here.”
Dahil din sa nararanasan nating health cr!sis kaya minabuti muna nila Anne na i-extend ang kanilang pamamalagi sa hometown ng kanyang mga magulang.

Bahagi ni Anne, “Given the current situation, na-extend talaga ‘yung stay namin dito because I mean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”