May mga tao pa rin talaga na kahit labis na ang kasikatang tinatamasa ay hindi pa rin nakakaligtaang tumulong sa mga nangangailangan katulad na lamang ng aktor na si Wendell Ramos.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Mahirap ang buhay lalo na ngayong panahon ng p@ndemya kaya naman talagang todo kayod ang karamihan para may maipakain sa kanilang pamilya katulad na lamang ni Lolo Narding, isang matanda na nag-viral kumakailan lamang dahil sa pagkakakul0ng niya dahil sa pamimitas ng mangga.
Ang dating mahirap na buhay ay mas naging doble pa para sa matanda kaya naman to the rescue kaagad ang iilang celebrities at kabilang na nga sa mga ito ay si Wendell Ramos.
Ngayong nakalaya na ang 80 taong gulang na matanda, marami sa kapwa celebrities ni Wendell ang nagbahagi ng groceries kaya naman nagkaroon ng magandang ideya ang aktor kung saan ay binigyan niya si Lolo Narding ng kabuhayan showcase na maaari nitong pagkaabalahan at pagkakitaan ng pera nang hindi nangangailang pumitas pa ng mga mangga upang maibenta.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Maliban sa napakaraming box ng preskong mangga, nag-provide rin si Wendell ng cart kung saan ay nakasulat pa ang pangalan ni Lolo Narding.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng hunk na aktor ang magandang balita kung saan ay inulan siya ng magaganda at positibong komento dahil sa ipinamalas niyang kabutihan.
“Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN , munting mga REGALO at NEGOSYO mula po saamin ng @ifranchise.bscorp , @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse,” pahayag ng aktor kalakip ng mga larawang kuha sa araw nang binisita ni Wendell si Lolo Narding upang bigyan ng pangkabuhayan showcase.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Nagpasalamat din ang aktor sa kanyang team at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga negosyo at organisasyon.
“Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ang aming -CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub.. kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA .. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa atin katulad po ni LOLO NARDO’,” ayon kay Wendell.
Credit: @wendellramosofficial Instagram
Nasa tuktok naman ng kanyang career ngayon bilang isa sa mga kinikilalang sikat na aktor sa showbiz, malaki pa rin ang atensyong ibinibigay ni Wendell sa mga taong nasa labas ng kinabibilangang industriya at handang tumulong sa lahat ng pagkakataon.
Dahil sa kabutihang ginawa ni Wendell, inaasahang mas gagaan pa ang magiging buhay ni Lolo Narding simula ngayon.