Kahit na’y sikat na artista man o hindi, wala talagang pinapalampas si Whamos Cruz dahil sa pagkakataong nag-apply si Alex Gonzaga na mamasukan sa kanilang bahay bilang yaya, handang-handa talaga siyang sulitin ang privilege niya bilang amo ng aktres.
Credit: Alex Gonzaga YouTube
Kung iisipin, bigla na lamang sumikat ang pangalang Whamos Cruz sa social media. Nagsimula siyang makilala ng netizens sa Tiktok kung saan ay ibinida niya ang kanyang iconic na damoves hanggang sumabak nga siya sa pagva-vlog kung saan ay mas labis pa siyang umangat sa kasikatan. Sa ngayon, isa na si Whamos sa mga bigatin at successful na vloggers sa Pinas!
Kung Pinoy vloggers lang naman ang pag-uusapan, isa si Whamos sa fave na content creators ng netizens dahil sa de-kalidad at nakakatawa niyang vlogs ngunit hindi lamang ito ang dahilan kung bakit marami ang umiidolo at nagmamahal sa kanya dahil nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa kuwento niyang rags-to-riches.
Credit: Alex Gonzaga YouTube
Sa kasikatang tinatamasa ni Whamos, marami na talaga siyang natatanggap na collab opportunities at nito lamang bago ay binisita siya ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga upang mamasukan bilang yaya.
Sa latest na vlog ni Alex G sa kanyang Youtube channel na “House Maid,” matutunghayan ang pagsabak niya sa bagong career at ito ay ang pagiging yaya sa pamamahay ni Whamos at ng girlfriend nito na si Antonette Gail Del Rosario kung saan ay ipinamalas ng aktres ang kanyang kakayahan sa pinasukang trabaho.
“This time ang gagawin natin dahil medyo alam niyo na, gipit na rin tayo… ang gagawin ko na lang ngayon bilang maid for a day at iha-house tour na rin natin siya ngayon. Kailangang doble kayod na tayo ngayon para talagang umunlad ang buhay at para masabi nating tayo’y nagtatagumpay na,” pahayag niya sa unang bahagi ng kanyang vlog.
Credit: Alex Gonzaga YouTube
Suot ang kanyang maid na uniporme, personal siyang nag-apply kay Whamos pero taliwas sa pag-aakala ni Alex na laro-laro lamang ang pagiging yaya niya ay tila’y tinotoo at itinodo naman ito ni Whamos dahil kaliwa’t kanan lang naman ang pag-uutos niya sa aktres.
Habang pinag-uusapan ang magiging yaya duties ni Alex ay ipinasyal siya ni Whamos sa kanilang bahay kung saan ay labis na namangha ang aktres sa laki nito. Sa kuwentuhan nilang ito, napag-usapan nila ang dating buhay ni Whamos sa Taytay.
“Ang bahay namin dati, pinagtagpi-tagping tarpaulin. Ang bubong namin, may yero pero hindi ganoon [katibay] tapos kahoy lang kami tapos ang bahay namin nakatagilid,” pagbabalik-tanaw ni Whamos.
Ayon kay Whamos, hindi niya kailanman inasahang dadating ang panahon na magiging yaya niya ang isang Alex Gonzaga na napapanood lamang niya sa TV noon kaya wala talaga siyang pinalampas at itinodo ang pagbibigay ng utos sa aktres lalo na sa pag-aalaga sa chikiting niyang si baby Meteor.
Credit: Alex Gonzaga YouTube
Mula sa pagpapadede, pagliligpit sa mga damit at gamit hanggang sa pagpapatulog kay baby Meteor ay matagumpay talaga itong na-accomplish ni Alex. Sa katunayan, sinubukan pa nga niya sa pagpapadede at pinilit na patulugin ang Whamonette dahilan kung bakit labis ang paghagalpak ng kanilang pagtawa.
Sa kanilang collab, hindi lamang purong good vibes ang handog nila sa netizens dahil nakapagbigay din si Whamos ng makabuluhang advice para sa lahat ng taong nasa sitwasyon na minsan na niyang pinagdaanan at ito ay ang “magsumikap sa buhay” dahil hanggang pursigido ay tiyak na tayo’y uunlad.
Credit: Alex Gonzaga YouTube
Sa pagpatok ng tandem ni Alex G at Whamos Cruz, marami talaga sa netizens ngayon ang patuloy na nagsusumamo na magkaroon pa sila ng maraming collab dahil sa pambihirang laughtrip na naibibigay nila sa kanilang mga manonood.
Tunay nga na perfect ang vlog na ibinahagi ni Alex G upang wakasan ang weekend na ‘tp kaya ano pa ba ang hinihintay mo? Tayo na’t manood!