Willie Revillame, nagdiwang ng 60th birthday kasama ang mga co-host sa “Magandang Tanghali Bayan” na sina Randy Santiago at John Estrada

Isa sa mga naghatid ng saya at mga papremyo sa mga manonood noong taong 1998 mula 2005 ay ang Kapamilya noon time variety show na “Magandang Tanghali Bayan”.

Hindi maipagkakailang maraming Pilipino ang napasaya ng MTB. Tumatak din sa mga Pilipino ang mahusay na mga host ng TV show na sina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada. Dahil din sa MTB kaya nabuo ang matibay na pagkakaibigan nina Willie, Randy at John.

Credit: @randysantiagoofficial Instagram

Kamakailan lamang ay muling nagsama-sama sina Willie, Randy at John para ipagdiwang ang ika-60 kaarawan ni Willie.

Ipinost ni Randy sa kanyang Instagram account ang masayang litrato nilang magkakaibigan kuha mula sa birthday celebration ni Willie.

Ayon kay Randy, kahit hindi sila madalas na magkitang magkakaibigan sinisigurado naman daw nilang nagkikita-kita sila tuwing may mahahalagang okasyon.

“Pagkatagal tagal naming hindi nagkita-kita at sa mga mahahalagang okasyon ay sinisiguro naming magsama-sama. Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 na kaarawan ng aming kapatid na Willie. Maligayang Bati “Kuya Wil” We Love You,” ani Randy sa Instagram.

Credit: @randysantiagoofficial Instagram

Ibinahagi rin ni Randy ang litrato nilang magkakaibigan kasama ang itinuturing nilang “mentor” na si Direk Edgar “Bobot” Mortiz.

Hindi naman maiwasan ni Randy na magbaliktanaw sa masasayang oras nila ng kanyang mga kaibigan sa MTB.

Ani Randy, “MTB Boys kasama ang aming mentor, Direk Bobot. Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan. Mga panahong tumatawa sa mga nakakatuwang kalokohan sa MTB at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB. Kuwentuhang walang katapusang tawanan. Happy 60th Birthday kapatid na Willie. ❤️”

Credit: @randysantiagoofficial Instagram

Sa isang hiwalay na Instagram post, isang sweet birthday message naman ang isinulat ni Randy para sa kanyang matalik na kaibigan sa ika-60 kaarawan nito.

Ani Randy, “Mula nang nagkasama tayo ilang dekada na rin ang nakakaraan ay hindi nawala ang respeto natin sa isa’t isa kaya hanggang ngayon ay matibay ang ating pagkakaibigan.”

Dagdag niya, “Maligayang bati sa iyong ika 60th na kaarawan Kapatid. Mabuhay ka at nawa’y tuloy tuloy lang ang pagtulong mo sa mga kababayan nating umaasa sa iyo. Nagdarasal sa iyong patuloy na sigla at lakas ng pangangatawan. God Bless You and All the Best Brother, Willie. I Love You”

Credit: Direkbobot Instagram

Noong January 27 ay ipinagdiwang ng Kapuso host ang kanyang ika-60 kaarawan.