Willie Revillame, nakatanggap ng maraming pasasalamat mula sa mga taong natulungan niya para sa kanyang kaarawan

Paano nga ba nakikilala ng karamihan ang kanilang iniidolong celebrity? Marahil ay dahil sa kanilang kahusayan sa larangan ng pag-arte, talentong ipinapamalas nila habang nasa telebisyon o hindi kaya’y kanilang angking kagandahan at kagwapuhan na talagang kinakikiligan ng kanilang fans. Ngunit mayroon namang iilan na nagawang makilala ng karamihan dahil sa lahat ng kabutihang nagawa niya.

Credit: @willrevillame Instagram

Ngayon na siya’y super sikat na, patuloy pa rin na binibigyang pagpapahalaga ni Willie Revillame ang kanyang kapwa lalo na ang mga taong labis na nangangailangan. Sa pamamagitan ng kanyang show na “Wowowin,” patuloy siya sa pagbabahagi ng tulong kaya naman talagang marami ang humahanga sa kanya.

Naka-focus naman ngayon sa pagho-host, hindi naman kailanman nawala ang ningning ng nag-iisang Willie Revillame lalo na’t sobrang tumutak siya sa puso’t isip ng mga manonood dahil sa mga kabutihang nagawa, ginagawa at patuloy pa niyang gagawin sa hinaharap.

Palaging may tinutulungang tao, oras naman para kay Willie na makaramdam ng labis na kasiyahan sa kanyang espesyal na araw kaya naman nagkaroon ng kanya-kanyang mensahe ang kapwa niya celebrities na nakatanggap umano ng tulong mula sa “Wowowin” host.

Credit: @willrevillame Instagram

Isa na nga sa mga bumati kay Kuya Wil sa kanyang ika-61 na kaarawan ay sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, Vhong Navarro, Michael V, Coco Martin, Jhon Lloyd Cruz, at iba pa.

Bagama’t magkaiba man ang kanilang tahanang station, mabuting magkaibigan pala si Kuya Wil at ang “It’s Showtime” host na si Vhong at inamin niyang isa siya sa mga taong nakatanggap ng tulong mula kay Willie Revillame.

“Hi, Kuya Wil! Gusto ko lang bumati ng Happy happy birthday at gusto ko ring sabihin sa’yo na mabuti kang tao. May mga pagkakataon na nagbibigay ka ng tulong na kahit hindi hinihingi sa’yo at isa ako sa naka-experience du’n kaya Kuya Wil, again, maraming salamat at mahal kita,” mensahe ni Vhong.

Credit: @willrevillame Instagram

“Happy birthday, brother! Tuloy mo lang ‘yang blessing mo para hindi mawalan ng pag-asa ang mga tao. Stay safe! Stay blessed!” Sabi naman ni Michael V.

Isa rin si Jhon Lloyd sa mga artistang natulungan ni Kuya Wil kaya sa pagsapit ng birthday ng host, talagang hindi pinalagpas ng aktor ang pagkakataon na batiin ito.

“Kuya, happy birthday! Nagpapasalamat ako sa’yo dahil naging instrumento ka sa pagbabalik ko sa TV at may isa akong pamilyang nabuo nang dahil sa tulong mo,” ayon kay John Lloyd.

Credit: @willrevillame Instagram

Nabuo ang kanyang pangalan at reputasyon hindi lamang dahil sa kanyang talento sa pag-arte kung hindi ay dahil sa walang-sawa niyang pagtulong sa kanyang kapwa, talagang marami ang humahanga kay Kuya Wil at present sa bawat espesyal na araw ng kanyang buhay.

Happy birthday, Kuya Wil!