Willie Revillame, napagkamalang nanloloko ng isang winner na kakapanganak lamang

May pagkakataon talaga na may darating na isang napakagandang biyaya sa ating buhay na dahil ‘too good to be true’ ay maiisip na lamang natin na hindi ito totoo o niloloko lamang tayo ng taong naghahatid sa atin ng magandang balita.

Credit: @willrevillame Instagram

Ito nga ang nangyari kamakailan lang sa isang bagong panganak na misis kung saan napagkamalan niyang sc@mmer ang batikang host na si Willie Revillame nang sabihin nitong nanalo siya sa Shopee segment ng “Wowowin.”

Hindi inakala ng nasabing bagong panganak na misis na nagpakilala bilang Mary Rose, 30 anyos, na siya ang matatawagan ni Willie para manalo ng Shopee prizes. Kaya naman noong una ay inakala pa niyang niloloko lamang siya ni Willie.

Mapapanood sa video na pagalit na sinagot ng nasabing misis si Willie nang magtanong ito ng ilang bagay sa kanya.

Saad naman ni Willie rito, “Huwag kang magalit. May sasabihin nga ako sa’yo. Mayroon akong magandang balita…”

Credit: @willrevillame Instagram

Sa kabila ng sinabi ni Willie ay may pagdududa pa rin ang nasabing misis lalo pa’t hindi kaagad nagpakilala si Willie sa kanya. Kalaunan nga ay binabaan ng misis si Willie ng telepono.

Natatawang reaksyon naman ni Willie, “Pinatayan ako, nabw3sit ho siya mga kababayan. Nabw3sit sa akin. Sorry. Siyempre maganda yung ganun eh, para may element of surprise.”

Kaya’t tinawagan muli ni Willie ang bagong panganak na misis.

Credit: Wowowin YouTube

“Ba’t mo ako binabaan? Ayaw mo ba ng jacket? Ayaw mo ng tablet? Ayaw mo ng 5,000 shopee bonus? Ayaw mo ng 20,000?” tanong ni Willie sa kanya.

Sagot naman ng misis, “Sige, sc@m pa! Manloko ka pa!”

Inutusan naman ni Willie ang misis na manood ng TV ngunit iginiit nitong wala siyang TV. Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap ay n@mura pa si Willie ng bagong panganak na misis.

Giit naman ni Willie, “Hindi nga ito scam! Anong scam? Si Willie ‘to, Revillame!”

Credit: Wowowin YouTube

“Ba’t ayaw mong maniwalang si Willie ‘tong kausap mo?” dagdag pa niya.

Dahil hindi pa rin naniniwala ang misis kaya naman dito na nag-alok si Willie na kantahan ito para lamang patunayan na hindi niya ito niloloko.

Pagkatapos ngang kumanta ni Willie ay dito na nagsisisigaw sa tuwa ang bagong panganak na misis na hindi pa pala nakakalabas sa isang lying-in ng mga panahon na iyon dahil naghahanap pa umano ng pera ang kanyang asawa para may pambayad sila at makalabas na.

Credit: Wowowin YouTube

Sa huli, abot-langit ang saya at pasasalamat ng bagong panganak na misis dahil nabiyayaan siya ni Willie ng isang tablet, jacket, 5,000 ShopeePay credits at P30,000!