Hinahangaan ng lahat si Willie Revillame dahil sa kanyang malaking puso para sa mga mahihirap. Ang kanyang variety show na “Wowowin” ay hindi lamang nagbibigay aliw at saya sa mga manonood ngunit layunin din nitong tulungan ang mga kababayan natin na kapos.
Credit: Wowowin YouTube
Kung susumahin ay talagang hindi na mabilang ang mga taong natulungan at mga taong tutulungan pa ni Willie. Kaya naman patuloy na tinatangkilik at namamayagpag ang kanyang programa sa telebisyon dahil pang-masa ito at isang instrumento sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Maging off-cam naman o sa likod ng camera ay iba’t ibang humanitarian services din ang ginagawa ni Willie. Sa katunayan, bumili pa si Willie ng bagong helicopter na hindi lamang niya gagamitin sa kanyang pang-personal na pangangailangan kundi sa paghahatid din ng tulong sa maraming Pilipino.
Credit: @turbulenceph Instagram
Alam ng marami na bukod sa pagiging host at negosyante ay isa ring lisensyadong piloto si Willie. At kamakailan lamang ay ibinida ni Willie o “Captain Wil” ang kanyang kasanayan sa pagpapalipad ng helicopter matapos siyang magpunta sa set ng “Tutok to Win” sa Wil Tower sakay ng isang helicopter na siya mismo ang nagmaneho.
Nag-viral naman si Willie matapos niyang ipakita ang kanyang bagong chopper sa kanyang programa nitong March 10.
Isang litrato ang ipinakita ni Willie kung saan ay makikita siyang nakatayo sa kanyang bagong pagmamay-aring chopper na kulay maroon.
Ayon kay Willie, regalo niya para sa kanyang sarili ang nasabing maroon na chopper. Ito rin daw ay gagamitin niya para maghatid ng tulong o humanitarian services kapag may sakuna tulad ng bagy0.
Credit: @turbulenceph Instagram
Kwento rin ni Willie na nagamit na niya ang kanyang chopper para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagy0 noon lamang nakaraang taon sa Catanduanes.
Matapos namang ipasilip ni Willie ang kanyang bagong biling aircraft ay kaagad itong pinag-usapan ng mga netizen.
Credit: @turbulenceph Instagram
Biro pa ng ilang netizen, kung ang iba ay mga gamit ang ini-‘unbox’ si Willie naman daw ay bongga dahil isa talagang helicopter!
Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit umaapaw ang biyayang natatanggap ni Willie dahil patuloy niyang ibinabalik ito sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga programa.