Winwyn Marquez, isang magandang Christmas gift ang natanggap at ito ay ang kanyang pagbubuntis

Sa tuwing papalapit na ang kapaskuhan, excited rin ang karamihan sa atin na makatanggap ng regalo ngunit sa paglipas ng panahon, nagbabago rin ang ating hilig dulot na rin ng maturity o hindi kaya’y labis na pangangailangan sa isang bagay.

Credit: @teresitassen Instagram

Nasa larangan man ng pag-arte o pagrampa sa entablado bilang isang beauty queen, kilala si Winwyn dahil sa kanyang talento na siyang nag-angat sa kanya patungo sa tinatamasa niyang kasikatan.

Matagumpay sa parehong larangan, may masayang pamilya, at ninanamnam ngayon ang lumalagong career sa industriya ng showbiz, ano pa ba ang ibang hihilingin ng isang Winwyn Marquez?

Marami sa netizens ang nag-akalang nakamit na ng aktres slash beauty queen ang lahat ng kanyang pinapangarap ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, may isa pa palang wish si Winwyn na matagal-tagal na rin niyang hinihiling kasama ang kanyang partner.

Labis ang panalangin na sana’y matupad na ang kanyang pangarap, narinig naman ito ng Panginoon at nito lamang nang ibinahagi ni Winwyn sa publiko ang magandang balita.

Credit: @teresitassen Instagram

Sabado, December 18 nang nagbahagi si Winwyn ng isang maikling vlog sa kanyang Youtube channel kung saan ay ibinunyag niya ang kanyang pagbubuntis.

“Me and my partner, we’re both so happy. My family… everyone,super saya namin,” saad ni Winwyn sa kanyang vlog.

Ayon sa beauty queen, kaya umano siya pansamantalang nawala sa showbiz dahil sa “personal reasons” at kahit na’y may mga kumakalat na rumors tungkol sa kanyang pregnancy, ngayon lamang niya ito kinumpirma.

Credit: @teresitassen Instagram

“Gusto ko sabihin sa inyo ‘yung nangyari sa akin and ‘yung blessing na binigay sa amin. We’re so happy. Me and partner are so happy. We’re over the moon,” pahayag ni Winwyn.

Dagdag pa niya, “I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start.”

Ngayon na papalapit na ang araw ng Pasko, mas lalo lamang na naramdaman ng aktres ang ligayang hatid ng kapaskuhan ngayon na ipinagbubuntis na niya ang baby nila ng partner.

“It’s such a good Christmas gift for me and my partner, for my family, for my parents,” ayon kay Winwyn.

Credit: @teresitassen Instagram

Of course, may nararamdaman din na changes si Winwyn sa kanyang katawan pero labis pa rin ang kanyang excitement na masilayan ang anak ilang buwan mula ngayon.

“I am still getting used to the changes in my body but I am excited that in a few months, we will meet our little baby,” sabi niya.

Mula sa pagiging beauty queen at aktres na talaga namang bumihag sa puso ng karamihan, tatahakin naman ngayon ni Winwyn ang motherhood na tiyak namang kayang-kaya niya!