Madalas ikinukumpara tayo ng mga tao sa ating paligid sa iba. Minsan ikinukumpara tayo sa ating mga kaibigan, mga kapatid o kahit sa ating mga magulang.

Kahit nga ang mga hinahangaan nating Pinay celebrities ay nakakaranas din na ikumpara sa iba katulad na lamang ng aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez.
Pinag-usapan kamakailan ang naging reaksiyon ni Winwyn nang ikumpara siya ng isang netizen sa kanyang mismong ina na si veteran actress Alma Moreno.

Ang nasabing netizen ay nagkomento sa litrato ni Winwyn sa Instagram at sinabing mas maganda umano ang ina ni Winwyn kaysa sa kanya lalo na noong kapanahunan umano nito.
“Win pinanuod ko yung mga old movies ng mama mo. Yung mga movies niya nung late 70s. Maganda ka naman. Pero sorry mas maganda siya sayo nung panahon niya,” komento ng nasabing netizen.
Wala namang hard feelings si Winwyn sa sinabi ng netizen. Imbes na masaktan ay tanggap ni Winwyn na mas maganda ang kanyang ina kaysa sa kanya.

Pinuri pa ni Winwyn ang kanyang ina at sinabing, “dyosa” umano ito. Tugon ni Winwyn, “malamang mas maganda talaga mom ko! Kakaiba yun dyosa”
Samantala, bagaman sumasang-ayon si Winwyn sa opinyon ng nasabing netizen, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nagsabi na mali ang ikumpara ang aktres sa kanyang ina. Komento ng netizens:
“Walang MAS between you and your Mom, both of you are equally beautiful. Sorry kung may tox!c filipino traits padin these days love you queen”

“don’t compare that’s negative, appreciate both of them now that’s positive”
“not everybody deserves your attention Ms. Wyn Not everybody deserves your time”
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ni Winwyn na mapuna sa social media dahil sa kanyang pisikal na hitsura.

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon ay pinuna rin ng ilang netizen ang maskulado umanong katawan ni Winwyn.
Katulad ng mga karaniwan na niyang reaksiyon sa mga nangbabash sa kanya ay kalmado lamang din ang naging reaksiyon ni Winwyn. Hindi nagpaapekto si Winwyn, bagkus ay proud pa siya sa kanyang katawan.