Xiam Lim, buong tapang na tumalon mula sa isang aircraft nang magskydiving sa Dubai!

Wala ng lugar ang takot at kaba sa puso ni Xian Lim ngayon matapos niyang subukan ang skydiving, isang activity na labis niyang kinatatakutan noon.

Credit: @xianlimm Instagram

Hindi na naman lingid pa sa kaalaman ng karamihan na takot sa heights si Xian Lim lalo na’t minsan na rin niya itong naibahagi sa interviews at iilang vlogs pero sa kanyang trip ngayon sa Dubai, sa wakas ay nagkaroon na rin ng lakas ng loob ang aktor upang subukan ang skydiving!

Hindi madali para sa isang tao na subukan o gawin ang isang bagay na labis nilang kinatatakutan at kinakailangan talaga ng matinding pagkukumbinsi sa sarili at katatagan ng puso upang magawa nga ito kaya naman sobrang proud ang aktor sa sarili dahil nagawa na rin niyang harapin ang isa sa kanyang fears.

Credit: @xianlimm Instagram

Kasalukuyan ngayong nasa Dubai si Xian kasama ang iilang Kapuso artists na sina Jessica Villaburin na siyang nanalo sa The Clas: Season 3, Julie Ann San Jose, at iba pa. Maliban sa paghahatid ng kasiyahan sa kanyang fans abroad, naisipan ng aktor na subukang i-enjoy ang Dubai mula sa himpapawid kaya naman, sumabak si Xian sa skydiving sa tulong ng kanyang instructor.

Credit: @xianlimm Instagram

Dahil sa epic niyang experience, hindi talaga pinalagpas ng aktor na ibahagi ang kasiyahang nararamdaman sa kanyang Instagram account nito lamang Biyernes, April 1.

“When fears are grounded, dreams take flight 🪂🏝,” saad ni Xian sa unang bahagi ng kanyang caption.

Ikinuwento rin niya ang funny niyang experience habang nasa himpapawid at ini-enjoy ang view ng Dubai mula sa itaas.

Credit: @xianlimm Instagram

“Tinatapik ako ng instructor ang kulit ko daw sa ere😅 kung ano-anong hand gestures ginagawa ko, gumegewang aerodynamics😂😂😂,” aniya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Xian sa kanyang Kapuso family dahil sa opportunity na natanggap niya at ito ay ang pagiging kabilang sa Expo Dubai 2020 at ang pagiging daan nito sa nakapaganda niyang experience sa skydiving.

Kahit na’y malayo ngayon sa isa’t isa, nagpaabot pa rin ng pagbati ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu na sobrang supportive. Sa Instagram Story ng aktres, ibinahagi niya ang larawan ni Xian habang nagska-skydive kalakip ng kanyang caption na, “Grabe! Nainggit ako! Bucket list ko talaga ‘to! Ikaw pa nauna! Congrats Xi, proud of you!”

Credit: @xianlimm Instagram

Kung noo’y hindi nakikita ang sarili na sinusubukan ang pagska-skydive dahil sa kanyang takot sa heights, ngayon naman ay labis nang nagre-relish si Xian sa experience niyang ito.

Ngayon na nasubukan na ang pagska-skydive at nalaman na sobrang saya pala nito, “takot sa heights who” na ngayon si Xian Lim!