Xian Lim, nagpakabit ng elevator sa loob ng bahay para sa kanyang lolo at lola

Magmula noong nagkap@ndemya at ipinasailalim sa striktong ‘stay at home’ ang lahat ay natigil at naantala rin ang mga proyekto ng mga artista sa showbiz. Simula nang nagkap@ndemya ay nanatili lamang ang aktor na si Xian Lim sa bahay kasama ang pamilya pati na rin ng kanyang lolo’t lola.

Credit: @xianlimm Instagram

Sa mga nagdaang buwan na pananatili niya sa bahay ay ginugol niya ang halos lahat ng kanyang oras kasama ang kanyang ina, lolo at lola. Dahil doon ay napagtanto niya kung gaano ka-importante ang “family time”. Kilala si Xian Lim sa industriya ng showbiz at marami na rin siyang proyektong nagawa kaya noon pa man ay babad na talaga siya sa trabaho at bibihira lamang makasama ang magulang, lalo na ang kanyang lolo at lola.

Credit: @xianlimm Instagram

Bilang isang maalalahanin na anak at apo ay nabahala siya sa kaligtasan ng kanyang lolo at lola. Dahil ito ay matatanda na at posibleng malingat sa hagdan habang papaakyat o pababa sa kanilang bahay, labis na lamang ang pag-aalalang naramdaman ni Xian.

Credit: @xianlimm Instagram

“She goes up and down the stairs and ayaw magpapapigil… even if I had set up her own room upstairs,” saad ng aktor na tinutukoy ang kanyang lola sa isang post sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Bilang solusyon at para na rin makampante si Xian Lim ay napagdesisyunan niyang magpakabit ng elevator sa loob ng kanilang bahay upang hindi na mag-abala pa at mahirapan ang kanyang grandparents sa pag-aakyat at pagbaba ng hagdan.

Credit: @xianlimm Instagram

Noong December 16 ay ibinahagi ng aktor ang kanyang kagalakan nang tuluyan na nga na naikabit sa kanilang bahay ang elevator sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang video clip kung saan makikita ang kanyang lola na sinusubukan ang bagong kabit na lift habang masayang kinakawayan ang apo. Makikita naman sa ekspresyon ng ginang ang kasiyahan habang nasa loob ng elevator.

Credit: @xianlimm Instagram

Naging kampante at nawala ang lahat ng pangangamba ng aktor nang maikabit ang home elevator dahil sa ganitong paraan daw ay nasisiguro niyang ligtas ang mga nakakatanda sa kanilang bahay.

Credit: @xianlimm Instagram

“I now have a peace of mind knowing that the seniors in my home is safer with this lift,” sabi ng aktor sa parehong Instagram post.