Xyriel Manabat, ginimbal ang “Dirty Linen” fans dahil sa mahusay niyang pagganap sa vlogger at bratty na karakter ni Tonet!

Sana may warning! Sino ba kasi ang mag-aakala na ang muling pagbabalik ni Xyriel Manabat sa showbiz ay magiging iconic at remarkable pala? Kaya heto, laglag pa rin ang panga natin sa ipinamalas niyang kahusayan sa pagganap sa karakter ni Tonet sa “Dirty Linen!”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Xyriel superiority! Ito ngayon ang isinisigaw ng karamihan matapos masaksihan ang recent na episode ng ongoing na teleseryeng “Dirty Linen” dahil muli lang namang pinatunayan ng 19 taong gulang na aktres na hindi lamang siya simpleng batang star noong early 2000s dahil patuloy lang naman siyang magniningning kahit lumipas man ang napakahabang panahon.

Marami na tayong kilalang artista na marunong o ‘di kaya’y magaling sa pag-arte pero bibihira lamang sa kanila ang may kakayahang isabuhay ang kanilang karakter na tila ba’y iisa lamang sila ng kanyang sarili katulad na lamang ni Xyriel na kuhang-kuha lang naman ang inis at adoration ng mga manonood dahil sa mahusay niyang pagganap sa karakter ni Tonet lalo na ‘nung kinompronta niya ang kanyang ama na si Ador (Epy Quizon) tungkol sa kumalat nitong issue na nagdulot ng matinding eskandalo at kahihiyan sa kanilang pamilya.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Sa episode na ito, talagang nag-stand out si Xyriel dahil sa ibang level ng kanyang pag-arte kung saan ay emosyonal at hysterical niyang hinarap ang ama dahil sa hiyang idinulot nito sa kanilang pamilya na siyang nagdulot sa dramatic na pag-plummet ng kanyang followers sa social media.

Sa iconic niyang linya na “Wala na lahat ng followers ko!” habang walang tigil sa pagbuhos ang kanyang mga luha pati na rin sa pamamaos ng kanyang boses, hindi talaga mawari ng mga manonood kung maaawa, maiinis, o malulungkot para sa kanya dahil sa kabila ng issue na nangyari sa kanilang pamilya ay tila’y mas concerned pa umano ito sa kanyang followers.

“Yung ang laki laki na ng problema ng pamilya nyo pero yung followers pa rin ang iniisip mo🤦social media is life!🥴🤣”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

“Yung maawa ka Kay Epy pero natawa ka sa line ni Xyrillre”

“Hndi inisip ng daddy mo yung mg a followers mo😂😂😂”

“Maiiyak na sana ako kaso ung followers dw nya wla na “

Dalawang linggo pa lamang simula nang ipinalabas ang teleseryeng “Dirty Linen” pero palong-palo na kaagad ito sa mga manonood dahil sa kakaiba at interesting na plot plus perpektong casting kaya sa pag-viral ng episode na #DamageControl, marami na talaga ang nag-aabang kung ano pa nga bang pasabog ang ihahandog ng serye lalo na sa peak na performance ng nag-iisang Xyriel Manabat!