Yam Concepcion at longtime non-showbiz fiancé, ikinasal na!

Ikinasal na ang “Init sa Magdamag” actress na si Yam Concepcion sa kanyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng halos isang buwan magmula nang inanunsyo niya ang kanilang engagement.

Credit: @officialtimyap Instagram

Batay sa Instagram post ng Kapamilya reporter na si MJ Felipe, ginanap ang kasalan nina Yam at Miguel sa New York City ngayong araw July 25 o July 24, U.S time.

Sa letratong ibinahagi ni MJ, makikitang nakasuot si Yam ng isang simpleng wedding dress katabi ang kanyang groom na si Miguel.

Credit: @officialtimyap Instagram

Dumalo rin ang kilalang host at kaibigan ni Yam na si Tim Yap sa kasalan. Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Tim ang ilang kaganapan sa simple at intimate wedding ceremony nina Yam at Miguel.

Credit: @officialtimyap Instagram

Ginanap sa isang luxury yacht sa New York ang wedding ceremony nina Yam at Miguel na dinaluhan ng kanilang malalapit na pamilya at kaibigan.

Samantala, noong December 31, 2018 pa na-engage sina Yam at Miguel ngunit nito lamang nakaraang June 28 nila ito ibinahagi sa lahat.

Credit: @officialtimyap Instagram

Base sa post ni Yam, nangyari ang engagement proposal ni Miguel habang nagbabakasyon sila sa Niseko, Hokkaido Prefecture sa Japan.

Sa eksklusibong panayam ni MJ kay Yam, inamin niyang kaya nito lamang niya ibinahagi ang kanilang engagement ay dahil pakiramdam niya na ito ang tamang oras.

Credit: @officialtimyap Instagram

Sinabi rin ni Yam na kahit matagal nang nangyari ang kanilang engagement, parang bago pa rin ito sa kanila.

Credit: @officialtimyap Instagram

Tinanong din ni MJ si Yam kung ano ang mga plano niya pagkatapos nilang ikasal ni Miguel. Ani Yam, hindi niya iiwan ang showbiz at balak niyang manatili sa Maynila at sa Amerika.

Credit: @officialtimyap Instagram

Giit pa ni Yam, “I’ve worked so hard for several years sa showbiz and I feel like this is my only time to actually just enjoy the city, [may] free time. But I intend to stay here and stay in Manila. Yeah, both places. Hindi yung parang dito lang ako. Ayokong ma-stuck up dito lang.”

Credit: @officialtimyap Instagram

Kasalukuyang naka-leave mula sa lock-in taping ng kanyang trending teleserye na “Inig sa Magdamag” si Yam.

Matatandaang lumipad si Yam sa New York noong May upang muling makasama si Miguel na kasalukuyang nakabase sa Amerika.