Yasmien Kurdi, ibinahagi kung paano niya napaputi muli ang kanyang kili-kili pagkatapos niyang manganak

Sa kalagitnaan ng pagbubuntis ng sikat na artista at singer na si Yasmien Kurdi, matindi ang pag-aalala niya sa pangingitim ng kanyang kili-kili. Nang ipinagbubuntis ang kanyang anak, napansin niya ang dahan-dahang pangigitim nito.

Credit: Yasmien Kurdi YouTube

“Very emotional ako dahil sa mga changes sa body ko, sa hormones, at kasama nga doon ang pag-itim ng kili-kili ko,” kwento ni Yasmien.

Naging emosyonal si Yasmien nang napansin niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan sa kalagitnaan ng pagbubuntis at pagkatapos manganak. Ang akala niya pa’y hindi na babalik sa dati ang noo’y makinis at maputi niyang kili-kili.

Dagdag pa ng aktres-singer na nagsilibi raw na n!ghtmare sa kanya iyon bilang babae dahil kung anu-ano ang mga ipinahid niya at nagtanong pa siya sa kanyang 0B-GYN kung posible pang bumalik sa dati ang kanyang kili-kili.

Credit: Yasmien Kurdi YouTube

Ngayong taong 2021 ay masayang ibinahagi ni Yasmien na kung gaano siya kaalaga sa kanyang mukha ay ganoon rin siya kung mag-alaga sa kanyang kili-kili. Ikwinento niya na sa umaga ay gumagamit siya ng deodorant pero isinalaysay niya na ang deodorants ay nagpro-protekta lamang sa kili-kili mula sa pawis at pagkabaho ng katawan.

Ayon pa sa kanya, hindi sapat ang paggamit lamang ng whitening deodorant kahit regular itong ginagamit kung ang gusto ay ang makinis at maputing kili-kili.

Ibinahagi niya sa kanyang vlog ang kanyang sikreto sa makinis at maputing kili-kili niya ay isang produkto mula sa isang sikat na brand dito sa Pilipinas.

Advice niya sa kanyang mga manonood at subscribers ang paggamit ng naturang produkto, lalo na sa mga katulad niya na Mommy na dumaan din sa parehong pagsubok pagkatapos manganak.

“Taking care of our skin and body are also a great factor para sa ating mga Mommies,” sabi ni Yasmien Kurdi.

Ipinakita niya kung paano gamitin ang produkto na naging katulong niya sa pagababalik ng kanyang dating makinis at maputing kili-kili kung saan “pea-size” lamang ang ibubuhos sa kamay at ipapahid.

Credit: Yasmien Kurdi YouTube

May payo naman si Yasmien sa mga gagamit ng produkto para sa kanilang kili-kili,  “Night hours are the prime time for our skin to degenerate and to nourish and care for our kili-kili as we sleep.”