Yasmien Kurdi, lubos ang pasasalamat sa asawa sa regalo nito sa kanyang isang bagong sasakyan!

Nasa kay Yasmien Kurdi na yata ang lahat— kagandahan, kasikatan, matagumpay na career, at may mapagmahal pa na asawa!

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

Talagang deserve ng isang babae ang respetuhin at mahalin sila ng buong puso. Halos wala ng ibang mahihiling si Yasmien Kurdi dahil kuntento na siya sa kanyang buhay bilang isang aktres, asawa, at ina sa anak.

Nabiyayaan ng mabuti at mapagmahal na asawa kung saan ay ang palaging iniisip nito ay ang kaligtasan ni Yasmien lalo na ngayong panahon ng p@ndemya, nagkaroon ng ideya ang asawa ng aktres na si Rey Soldevilla upang masiguro ang kaligtasan ni Yasmien.

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

Miyerkules, September 29 nang nagbahagi ng mga larawan sa Instagram si Yasmien kung saan ay makikitang nakaupo siya sa hood ng kanyang magara at bagong sasakyan kasama ang anak na si Ayesha.

“New baby 😊 Thank you Pangga! @rey_soldevilla 😘,” sulat ni Yasmien sa kanyang caption.

Kuwento ni Yasmien, niregaluhan umano siya ng kanyang asawa ng bagong sasakyan upang masanay na siya sa pagmamaneho at bilang pag-iingat na rin sa c0vid-19.

Bilang isang aktres, lalo na’t may ongoing pa siyang proyekto, madalas na lumalabas si Yasmien sa kanilang bahay upang magpunta sa “lock-in tapings” ng inaabangang teleserye na “Las Hermanas”.

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

Ayon sa aktres, simula nang nagka-p@ndemya, ang kanyang asawa umano ang naghahatid sa kanya sa tapings upang ma-lessen ang pakikisalamuha niya sa maraming tao pero kadalasan, may mga pagkakataon na nagkakasabay ang kanilang schedule dahilan kung bakit doble ang pagod na nararamdaman ni Rey.

“Recently po kasi nagkakasabay ang mga schedules namin. Ngayong pandemic, madalas siya po ang naghahatid sa akin sa work ko para less daw yung contact namin with other people,” sabi ni Yasmien sa isang interview ng GMA.

Sa mahirap na sitwasyon ng mag-asawa, napagdesisyunan ni Rey na bilhan na lamang ng sasakyan si Yasmien na labis naman na ikinatuwa ng aktres lalo na’t “dream car” niya umano ang regalong Wrangler.

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

“Ang saya lang dahil finally, pinayagan na niya ako mag-drive mag-isa!” excited na pahayag ni Yasmien.

Ayon kay Yasmien, hindi umano siya pinayagan ng asawa noon na magmaneho papunta at pauwi galing sa trabaho dahil madalas daw na puyatan ang “tapings” at baka raw ma-tempt siyang umuwi kahit na’y pagod na maaaring magresulta sa isang aksidente na siyang ikinatatakot ni Rey.

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

Matapos ang tatlong taon na pangungumbinsi sa asawa na payagan na siyang magmaneho ng sasakyan, sa wakas ay sumang-ayon na rin si Rey at binilhan pa nga ang aktres ng bagong sasakyan!