Bagama’t ilang taon namang magkaibigan, ito ang pinakaunang pagkakataon na pumayag si Yassi Pressman sa request ng kanyang mabuting kaibigan na si Alex Gonzaga na ipasilip ang magandang bahay na labis namang pinakahinihintay ng kanyang fans.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Mapapansin sa mga larawang ibinahagi ni Yassi sa kanyang social media kumakailan lamang, mapagkakamalan talaga na nasa Amerika ang Fil-British na aktres pero ambiance at design lang pala ‘yun ng kanyang sariling bahay dito sa Pilipinas kaya naman marami sa kanyang fans lalong-lalo na ang sikat at successful na vlogger na si Alex Gonzaga ang na-excite dahil sa wakas ay pumayag si Yassi na magkaroon ng tour.
“So ngayon, bibisitahin ko muna ‘yung isa kong kaibigan dahil nakikita ko sa Instagram ‘yung bahay niya, pang-America… pang mga sosyalan,” pahayag ni Alex.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Bagama’t sobrang daming gamit naman ang nasa tanggapan, ibinunyag ni Yassi na hindi pa umano ito tapos kasi may mga planong design pa siya na gustong ma-achieve. Of course, bilang isang proud na sister, halos lahat ng paintings na nasa living room ay gawa ni Issa Pressman.
Highlight din sa bahay ni Yassi ang movie room kung saan ay ayon sa kanya, personal umano nilang dinisenyo ng kapatid. Pati ang pillowcase na may intricate na elements ay design rin umano ni Issa.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
May sarili ring opisina sa loob ng bahay si Yassi kung saan madalas niyang idinadaos ang bawat meeting ng Presidential Paws Club. Sa labas naman ng bahay ay ang pavillion na ayon sa aktres ay katatapos lamang dahil noon, “empty lot” lang umano ito. Hindi naman napigilan ni Alex na humanga sa buong bahay ng kaibigan dahil binibigyan umano siya ng “resort feels”.
At dahil sa sobrang lawak ng buong lugar, may pool table, gym na kumpleto ng equipments, at ang ipinagmamalaking sauna ni Yassi na gawa umano ng Tylo Philippines. At dahil glass ang nakapalibot sa sauna, hindi naiwasan ni Alex na magkomento na nakikita umano ang kung sinumang gumagamit pero dahil sa naka-install na voice-based power digital assistant kung saan ay awtomatikong nagco-cover kapag nagsasalita si Yassi ng, “Alexa, privacy please,” nalaglag talaga ang panga ni Alex.
At dahil kilala bilang isang tao na labis na mapagmahal sa mga aso at iba pang hayop, ipinakilala rin ni Yassi ang kanyang dogs at snake kay Alex.
“That’s the house of Yassi. Bilib ako. Ganda ng bahay mo,” komento ng Pinay vlogger.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Sauna, gym, movie room, opisina— lahat ay nasa bahay na ni Yassi kaya naman kahit si Alex, hindi mapigilan ang paghanga.