Yassi Pressman, nag-enjoy sa kanyang simpleng pamamalagi sa napakagandang isla ng Siargao

Talagang pinatunayan ni Yassi Pressman na walang makakatalo sa kasimplehang hatid ng probinsya.
Kumakailan lamang nang nagpunta sa isla ng Siargao si Yassi Pressman upang makapag-relax at makapag-unwind. Gustong makapaglayo-layo at i-enjoy ang bawat pagkakataon habang hindi abala sa showbiz, talagang sinulit ng aktres ang bawat oras habang nasa bakasyon.

Credit: @yassipressman Instagram

“I needed some time to get away. I spontaneously planned a trip to the beach with no itinerary/schedule and ended up trying to learn how to surf,” pahayag ni Yassi sa kanyang caption kalakip ng isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram.

Habang namamalagi sa Siargao, surfing ang pinagkakaabalahan ni Yassi at mapapansin naman sa mga updates niya sa Instagram ang kasiyahang nararamdaman.

Credit: @yassipressman Instagram

Inamin din ni Yassi na sa panahong namamalagi siya sa Siargao, nagustuhan niya ang kagandahan at kasimplehan na hatid ng probinsya. Bagama’t lumaki man sa siyudad at nanggaling man sa mayamang pamilya, hindi naging mahirap para kay Yassi ang simpleng buhay sa isla at sa katunayan ay nag-eenjoy pa nga siya!

Huwebes, October 14 nang nagbahagi si Yassi ng video sa Instagram kung saan ay makikitang walang-arte itong nagbabanlaw gamit ang ang tubig galing sa isang poso na madalas na ginagamit ng mga lokal.

“Buhay probinsya!!!!! 🖤 The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab,” sulat ni Yassi sa kanyang caption.

Credit: @yassipressman Instagram

Habang nag-iigib ng tubig mula sa timba upang makapagbanlaw, kapansin-pansin ang malalaking ngiti ng aktres. Talagang nag-eenjoy siya sa buhay probinsya!

Dahil sa pakikisama ni Yassi sa mga lokal at walang kaarte-arte niyang pamumuhay sa Siargao, nabihag ng aktres ang atensyon ng netizens at kapwa celebrities katulad na lamang nina Rhian Ramos, Kiana Valenciano, Katarina Rodriguez, at Cherry Pie Picache.

“Yun oh! you’re so simple talaga yassi 😍”

“Ang cute😍 walang kaarte arte”

Credit: @yassipressman Instagram

“Ang kyut mo yassi 😍, ang probinsyana😊”

“Sarap!!! Tubig from poso 😍❤️ probinsya feels!!!”

Isa rin sa mga ginawa ni Yassi habang nasa bakasyon ay ang pagbisita niya sa kaibigan na si Andi Eigenmann na kasalukuyang naninirahan ngayon sa isla ng Siargao.

“I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday — Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam @andieigengirl,” ayon kay Yassi.

Credit: @yassipressman Instagram

Sa ngayon, talagang sinusulit ni Yassi ang bawat oras niya habang nasa bakasyon dahil bibihira lamang ang pagkakataong ito sa buhay ng isang celebrity.