Yassi Pressman, nanginig nang yakapin ng kanyang idolong si Maricel Soriano

Katulad na lamang ng fans na walang sawang sinusuportahan ang kanilang iniidolo, labis din ang tuwa at kasiyahang naramdaman ni Yassi Pressman nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo sila ng beteranang aktres na si Maricel Soriano.

Credit: @yassipressman Instagram

Kabilang si Yassi Pressman sa mga sikat na babaeng celebrities sa kanyang generation. Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, hindi kailanman binigo ng aktres ang kanyang fans dahil talaga namang napakahusay niya pagdating sa pag-arte. Maliban dito, may talento rin si Yassi sa pagho-host at sa pagsayaw na palaging hinahangaan ng netizens. May tatak Yassi Pressman ang bawat pitik at galawan niya sa dance floor.

Kahit na’y isa naman ngayong sikat na aktres na tinitingala ng karamihan, nananatili pa rin ang pagiging “fan girl” ni Yassi. Sa pinakabago niyang post sa Instagram, proud niyang ibinahagi sa kanyang followers kung gaano siya kasaya sa encounter nila ng kanyang idol na si Maricel Soriano o mas kilala sa kanyang title na “Diamond Star”.

Nasa isang clinic si Yassi para sa kanyang “beauty routine” kasama ang kanyang kapatid na si Issa Pressman kung saan ay unexpected niyang nakita si Maricel Soriano dahilan kung bakit kaagad na-activate ang kanyang pagiging “fan girl”.

Credit: @yassipressman Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Yassi kung paano siya nanginig at kinilig na talaga namang halata sa kanyang ekspresyon. Sino ba naman ang hindi manginginig at kikiligin kung biglaan nating nakatagpo ang ating idol at nagkaroon pa ng pagkakataon na mayakap ito?

Isa itong rare na opportunity!

“Tapos nakita ko si Diamond Star!!! Ms. @officialmaricelsoriano ~ at makikita nyo naman, nung niyakap nya po ako nanginig ako talaga!!!” saad ni Yassi sa kanyang caption.

Ipinahayag din ng aktres ang kanyang nararamdaman, “🤣 SUPER KILIG 🤣 I was so shyyyyyyy & starstruck!!! 🙈🤣❤️”

Credit: @yassipressman Instagram

Kahit na’y nakakabighani rin ang sarili niyang kagandahan, hindi napigilan ni Yassi na ma-“stratruck” sa kaisa-isang Diamond Star!

Kinagiliwan naman ng netizens ang mga larawang ibinahagi ni Yassi sa katunayang ngayon lamang nalaman ng karamihan na may malaki palang paghanga ang aktres kay Maricel Soriano.

“❤️❤️❤️❤️👏👏👏wow favorite ko din si maricel”

Credit: @yassipressman Instagram

“Ang cute mo sa pagkakilig with Maricel haha 😂”

“Kala ko yassi kinikiliti ka ni miss maricel soriano 😂😍😍😍”

Dahil dito, nagkaroon ng hiling ang fans ni Yassi na sana magkaroon umano sila ng teleserye o pelikula together ni Maricel Soriano na kung sakali man na magkatotoo ay talagang papatok at magkakaroon ng magandang impact sa publiko dahil sa kanilang kahusayan sa pag-arte.