Yassi Pressman, personal na nakapagpasalamat kay NBA star Damian Lillard sa tulong na ipinaabot sa PGH

Nabigyan ng pagkakataon na makaharap ng personal ng aktres na si Yassi Pressman ang NBA star ng Portland Trail Blazers na si Damian Lillard sa Los Angeles, California USA at ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Credit: @yassipressman Instagram

“It’s about DAM(E) TIME we see each other in person,” caption sa IG post ni Yassi.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang kasiyahan sa pagkakataon na makaharap ang NBA star na nagbigay ng tulong sa proyektong pinanguhanan ni Yassi ng magkaroon ng sun0g sa Philippine General Hospital.

Credit: @yassipressman Instagram

“But seriously tho, I wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire, & just for being the kind-hearted person that he is,” ani Yassi sa caption ng IG post kasama ang kanilang larawan ni Damian.

Makikita pang nakatingkayad ang aktres sa nasabing larawan.

“You are truly a gem. So down to earth. My most favorite player. Can’t wait to see you again soon,” dagdag pa ni Yassi sa caption sa kanyang IG post.

Credit: @yassipressman Instagram

Matatandaang noong Mayo ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pasasalamat sa NBA star sa ipinaabot nitong donasyon bilang tulong nito sa kanyang adbokasiya para sa PGH matapos itong masunog.

“Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help,” caption ni Yassi sa nasabing IG post.

Credit: @yassipressman Instagram

Ayon naman sa Ang Probinsyano partylist Representative na si Ronnie Ong na kabahagi din ng proyekto, nagbigay ng tulong si Lillard nang marinig nito ang nangyare sa PGH.

“NBA Star messaged Yassi (they’re friends) that he wants to help PGH and since Yassi and I were really planning to help PGH. Sinabay na namin.” ani Ong.

Credit: @yassipressman Instagram

Dalawang beses nang nakarating sa Pilipinas ang NBA star. Una ay noong 2014 para sa Last Home Stand charity basketball event at noong 2016 bilang bahagi ng kanyang Summer Tour kaya hindi maitatangging malapit ang loob ni Lillard sa mga Pilipino.