Yassi Pressman, sobrang saya nang ma-meet ang kanyang ‘girl crush’ na si Filipino-Canadian actress Shay Mitchell!

Kilala si Yassi Pressman sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Naging tanyag ang kanyang pangalan nang gumanap siya bilang si “Alyana” sa longest-running teleserye na pinamagatang “FPJ’s Ang Probinsyano”. Isa man ngayon sa mga sikat na aktres sa showbiz ay nananatili namang mabuti ang puso ni Yassi lalo na sa mga taong nangangailangan.

Credit: @yassipressman Instagram

Bukod sa busy na schedule bilang isang artista ay abala rin si Yassi sa pagtatayo ng mga donation drive upang makatulong sa mga taong labis na nangangailangan. Sa katunayan ay na-meet niya ang NBA Superstar na si Damian Lillard na isa sa mga taong nag-donate noong nagkaroon ng sun0g sa Philippine General H0spital noong nakaraang Mayo.

Credit: @yassipressman Instagram

Kasalukuyang nananatili si Yassi sa Amerika at nagkaroon muna ng break mula sa showbiz upang makapagrelax kasama ang pamilya. Hindi man nakikita sa telebisyon ang aktres ay patuloy naman siyang sinusubaybayan ng kanyang mga fans sa pamamagitan ng pagiging updated sa bawat post ng aktres sa Instagram account nito.

Credit: @yassipressman Instagram

Nito lamang Linggo nang nagbahagi ang aktres ng isang larawan sa Instagram na muling nagpa-w0w sa mga netizens. Sa post ay makikitang kasama ni Yassi ang foreign celebrity na si Shay Mitchell na isa ring sikat na aktres at modelo. Nagkita si Yassi at si Shay sa isang restaurant sa Las Vegas, Nevada.

Credit: @yassipressman Instagram

Ayon kay Yassi ay si Shay Mitchell umano ang kanyang ‘girl crush’. Hindi man nabanggit ng aktres kung paano sila nagkakilala ng Filipino-Canadian na artista na si Shay ay proud naman niyang ibinahagi ang kanyang larawan kasama ito.

Credit: @yassipressman Instagram

“Girl crush @shaymitchell ❤️,” simpleng caption ni Yassi kasama ng iilang Philippine flag emojis.

Credit: @yassipressman Instagram

Sa comment section naman ay nagkomento si Shay Mitchell ng iilang emojis na may kasamang ring watawat ng Pilipinas.

Maaalalang bumida bilang si “Emily Field” si Shay Mitchell sa sikat na teleserye sa bansang America na “Pretty Little [email protected]” kung saan siya mas lalong nakilala.

Mapapasana-all na lang talaga ang mga netizens sa naging bonding nina Yassi at Shay Mitchell.