Ylona Garcia, ibinida ang kanyang mas fit na katawan at kanyang buhay ngayon sa Australia

Bagong taon na naman. Panahon na naman para magsimula muli. Marami sa atin ang inilatag na ang kanilang mga New Year’s resolution at ‘goals’ para sa taong 2021. At ilan sa mga nangungunang resolusyon tuwing New Year ng mga tao ay ang pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, maging fit at makamit ang kanilang mga body goal.

Credit: @ylonagarcia Instagram     

Ngunit hindi pa man dumating ang bagong taon, ay tila na-achieve na ng singer-songwriter at aktres na si Ylona Garcia ang isang fit na katawan.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Sa kanyang Instagram account, ay ibinida ni Ylona ang kanyang beach body.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ylona. (@ylonagarcia)

Hindi pa man ‘summer’ ay ibinalandra ni Ylona ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Sa isang larawan na ipinost ni Ylona sa Instagram ay kapansin-pansin na mas fit at s3xy na siya ngayon.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Matatandaang may kapayatan pa noon si Ylona nang pumasok siya bilang housemate ni Kuya sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother. Ngunit kamakailan lamang ay mas naging confident at nag-mature si Ylona.

Sa kanyang mga larawan sa Instagram ay ipinakita niya ang kanyang seksing katawan sa suot niyang swimsuit habang may hawak na isang surfboard.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi rin ni Ylona ang mga ginagawa niyang fitness training at exercise para ma-achieve ang maganda niyang pangangatawan ngayon.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Patunay naman talaga si Ylona na kapag nagsikap at may disiplina ang isang tao ay makakamit niya ang kanyang mga fitness goal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ylona. (@ylonagarcia)

Samantala, umani naman ng maraming papuri mula sa mga netizen ang magandang pangangatawan ni Ylona ngayon. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Credit: @ylonagarcia Instagram

“Grabe ka lods! Sa sobrang h0t mo kahit winter nag aircon ako”

“WOAHHHHHH DALAGANG DALAGA NA TALAGA KEEP ON SLAYING BABY GIRL”

“That body is to di3 for”

Credit: @ylonagarcia Instagram

Kasalukuyan ngayong nasa Australia si Ylona. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ylona na ngayong panahon ng p@ndemya ay nagtatrabaho siya bilang isang service crew sa isang fast food chain sa Australia.

Credit: @ylonagarcia Instagram

Sa kabila naman ng kanyang pagtatrabaho ay patuloy pa rin siyang gumagawa ng mga kanta na ibinabahagi niya sa kanyang social media account.